"TIGILAN MO 'YAN!" isang malakas na sigaw mula kay Fay ang nagpatigil sa ginagawa nitong pambu-bully sa kaklase niya.
Tumingin lang ito ng masama sa kaniya at pati na ang lahat ng estudyante roon ay nakatingin lang din sa kaniya habang yung iba naman ay pinipigilan siya dahil natatakot ang mga ito sa maaari niyang sapitan sa kamay ni Storm pero hindi siya natatakot.
"At sino ka naman?" taas kilay nitong tanong sa kaniya saka ngumiti ng nakakaloloko. Lahat ng estudyante roon ay nakamasid lang sa kanila at walang sinoman ang naglakas loob na pumagitan man lang.
"Fay!" awat sa kaniya ni Candice, maging ito ay natatakot sa maaari niyang sapitin.
"Tigilan mo na 'yan. Hindi ko alam kung ano'ng kasalanan niya sa 'yo pero mali pa rin 'yang ginagawa mo," may diin at awtoridad ang tono niyang iyon.
"At sino ka ba sa tingin mo para pakialaman yung ginagawa ko?" sarkastikong wika nito pero kitang-kita sa mukha nito ang pagkainsulto sa sinabi niya.
"Fay, si Storm 'yan! Anak 'yan ng may-ari ng school wala tayong laban diyan, kaya please lang tigilan mo na 'yan," muling pigil sa kaniya ni Candice.
"WALA AKONG PAKIALAM KUNG ANAK KA PA NG MAY-ARI NITONG SANFORD UNIVERSITY!" matapang niyang sigaw dito. "Mali 'yang ginagawa mo kaya dapat lang na hindi 'yan hinahayaan na lang. At hindi porke't anak ka ng may-ari ay gagawin mo na lang lahat ng maisipan mo sa kahit sinong tao o estudyante rito!" Buong lakas ng loob na sigaw pa rin niya rito pero sa halip na sagutin siya ay isang malakas na tawa lamang ang ibinigay nito sa kaniya.
"Alam mo, gusto ko 'yang tapang mo. Pero tingnan nga natin kung hanggang saan ka dadalhin niyang tapang mo!" nakangiting wika nito sa kaniya saka marahang humakbang palapit sa kinatatayuan niya. Kaya naman nag-atrasan ang ibang estudyante na kasalukuyang nanonood sa kanila. Lahat ay takot na mapalapit man lang dito, maging ang kaibigan niyang si Candice ay lumayo na rin sa kaniya dahil sa takot.
Napasinghap siya ng marahas siyang higitin nito sa braso niya. "ANO BA BITIWAN MO AKO!" angil niya rito at nagpupumiglas siya upang makawala sa pagkakahawak nito sa kaniya ngunit sadyang mahigpit ang pagkakahawak nito kaya ng hatakin siya nito ay wala na siyang ibang nagawa kundi ang mapasunod dito.
"FAY!" nag-aalala tawag pa ni Candice sa pangalan niya
"Fay? 'Yun pala ang pangalan mo," wika nito pero patuloy pa rin sa paglakad. Dinala siya nito sa isang abandonadong gusali sa loob din ng eskuwelahan na iyon.
Pasalya siya nitong isinandal sa maruming pader doon kaya naman napaupo siya at namimilipit sa sakit ng likod niya dahilan para mahirapan siyang huminga pero sa halip na mabahala ito ay ngumiti pa ito ng nakakaloko.
"Alam mo, Fay, kung ako kasi sana sa 'yo hindi na lang sana ako namakialam. Eh, di sana wala ka ngayon dito," wika nito saka humakbang mula palapit sa kaniya at dahil sa masakit pa rin ang likuran niya ay hindi pa rin siya makagalaw.
Paglapit nito sa kaniya ay muli siyang iniangat nito at isinandal sa maruming pader. Hinawakan nito ang dalawang kamay niya gamit lamang ang isa nitong kamay kaya naman mas lalong hindi siya makagalaw.
"STORM!" marahas niyang tawag sa pangalan nito dahil nasasaktan siya sa ginagawa nito sa kaniya pero sa halip na bitiwan siya ay bigla pa nitong iniyakap ang kabilang bisig sa bewang niya dahilan para mas maalarma siya. Kaya naman buong lakas niya itong itinulak palayo sa kaniya. "ANO BA?!" angal niya at pilit siyang kumakawala sa pagkakayakap nito.
"Hindi ko naman kayang manakit ng babae," makahulugang wika nito. Marahan naman nitong binitiwan ang dalawang kamay niya pero nakayakap pa rin ang isang kamay nito sa bewang niya.
Hindi niya sinasadyang mapatingin sa mga mata nito, at nagulat siya dahil walang anomang pagbabanta sa mga matang iyon at may kakaiba sa mga mata na 'yon na hindi niya kayang ipaliwanag pero ang mga tingin na iyon ay nagbibigay ng kakaibang kaba sa kaniyang dibdib. Mga kabang hindi niya maintindihan kung saan nagmumula dahil alam niyang hindi takot ang kabang nararamdaman niyang iyon.
Sa pagkakataong iyon ay naramdaman niya ang masuyong paghaplos nito sa mukha niya, haplos na nagpadagdag sa kabang nararamdaman niya. Para siyang napako ng biglang bumaba ang mukha nito para bigyan siya ng masuyong mga halik sa pisngi at lumakad iyon papunta sa tenga niya.
"Now, tell me how you feel," Storm whispered to her and his husky voice suddenly gives her goosebumps. Muli itong tumingin sa mga mata niya at parang tumigil sa pagtibok ang puso niya. "Sabihin mong gusto mo rin 'to, Fay," halos pakiusap na wika nito sa kaniya.
Pagtapos ay kinuha nito ang kaliwang palad niya at marahang inilapat iyon sa malapad nitong dibdib. Doon ay naramdaman din niya ang malakas na pagtibog ng puso nito.
"Storm..." tanging pangalan lang nito ang lumabas sa bibig niya. Hindi rin niya maintindihan ang sarili dahil ang mga haplos at titig nito ay punong-puno ng init na tumatangay sa katinuan niya.
Masuyo nitong ikinulong sa mga palad nito ang maliit niyang mukha at tinitigan siya. She knew that she was stuck in that moment. She only feels the throb of his heart and she can only hear her own heartbeat. He then suddenly softly and gently kisses her. A kiss that full of warmth and sensation. She can't resist it and it was driving her crazy.
Nang unti-unti na siyang natatangay sa mainit nitong halik ay biglang naman itong tumigil at seryosong tumingin sa kaniya.
"Starting this day, your lips, your gaze, everything about you was mine. You are mine and no one can touch you except for me," seryosong wika nito at tumingin sa ID na suot niya. "Always remember that, Sofia Kiara Ortega," mariin at may awtoridad din ang mga salita nitong iyon kaya wala sa sariling napatango na lamang siya.
Then he let go her from his hugs and left her dumbfounded. Wala din sa loob niyang napahawak siya sa mga labi niyang kanina lang ay inangkin nito. That was her fist kiss!
I hated you for doing this to me, Storm Jaydon Chavez.
"FAY, anong gusto mong ulam for dinner?" tanong ng kaniyang ina, kasalukuyan na kasi itong naghahanda ng pagkain nila para sa hapunan.
"Kahit ano, Ma, basta h'wag lang po baboy," tugon naman niya rito. Hindi naman sa hindi siya kumakain ng baboy. Sadyang alam lang niya na mahirap tunawin ang baboy lalo at hapunan na.
Dalawangpu't isang taong gulang na siya bagaman alam niya na sa edad na iyon ay dapat independent na siya ngunit dahil nag-aaral pa siya ay hindi pa niya magawang iwan ang ina at iyon din naman ang kagustuhan nito. Gusto nitong tapusin na muna niya ang pag-aaral niya nang sa gayon ay ito naman ang makapag-retired at makapagpahinga. Ang gusto kasi nito ay mag-focus lamang siya sa kung ano'ng ginagawa niya sa ngayon.
Mahal na mahal niya ang kaniyang ina dahil ito na lamang ang mayroon siya magmula nang iwanan sila ng kaniyang ama noong walong taong gulang pa lamang siya para sa ibang babae. Galit siya sa kaniyang ama dahil sa ginawa nito sa kanila at alam niya na kahit sino ay magagalit sa ginawa nito. Magmula rin ng umalis ito ay ni minsan hindi na siya nagawang kumustahin man lang nito, wala na rin siyang anomang balita tungkol dito. Masakit man sa loob ay alam niyang tuluyan na siyang kinalimutan nito.
Umupo ang kaniyang ina sa harapan niya. Kasalukuyan siyang nakaupo sa sahig ng sala nila habang gumagawa ng homework niya. Maliit na lamesa lamang ang pinagpapatungan niya dahil maliit lang din naman ang bahay nilang iyon.
"Kumusta naman ang araw mo sa school ngayon?" tanong nito sa kaniya. Nakasayan na kasi nilang mag-ina ang pagkuwentuhan ang mga nangyayari sa maghapon nila.
"Wala namang bago, Ma. Gano'n pa rin," maikling tugon niya rito habang patuloy pa rin siya sa ginagawa niya. Marami mang hindi magandang nangyari sa kaniya sa maghapon ay ayaw na niyang sabihin iyon sa kaniyang ina dahil alam niyang mag-aalala lamang ito sa kaniya. "Eh, ikaw, Ma? Kumusta naman ang araw mo?" balik tanong niya rito.
"Well," simula nito pagtapos ay umayos sa pagkakaupo at ngumiti sa kaniya. "Naalala mo ba yung lalaking ikinukuwento ko sa 'yo no'ng nakaraan?" pagpapaalala nito sa kaniya nang lalaking nakilala nito sa ospital, marahan naman siyang tumango bilang tugon. "We officially start dating today!" hindi niya maiwasang mapangiti dahil kitang-kita niya ang sayang rumehistro sa mukha nito. "Pero, Fay, okay lang ba sa 'yo?" tila nag-aalangan na tanong nito sa kaniya.
"Of course, Ma!" malapad siyang ngumiti rito saka lumapit sa tabi nito at mahigpit itong niyakap. "You deserve to be happy, Ma. Buong buhay mo sa akin mo lang inilaan, tingin ko it was about time para naman bigyan mo ng time yung sarili mo. Kaya, if that makes you happy, I will support you," punong-puno ng pagmamahal na wika niya rito.
"Thank you, Fay!" Her mother almost cried. "I also thank God for giving me you as my daughter," masayang saad nito at mahigpit din siyang niyakap.
"Pero pag pinaiyak ka niyang lalaking 'yan. Mata lang niya ang walang latay!" banta niya kaya naman nagkatawanan silang mag-ina. Makita lang niya itong maging masaya ulit ay masaya na rin siya.
"Anyway, sabi niya sa akin mayroon daw siyang isang anak na lalaki, and I think he is as same age as you pero hindi ko pa naman siya nakikita. Ang plano kasi namin sabay na lang namin kayong i-meet sa isang family dinner," kuwento pa nito nang marahan na itong humiwalay ng pagkakayakap sa kaniya.
"Sure, Ma. Just set the date and I am so much excited to meet my soon-to-be stepbrother and stepfather," aniya habang nakangiti pa rin dito.
"Okay," masayang sagot naman nito. "Sige na, tapusin mo na 'yang assignment mo, tatapusin ko na rin 'tong niluluto ko," wika nito saka tumayo at bumalik sa kusina na kitang-kita rin naman buhat sa kinauupuan niya.
Maliit lang ang apartment na iyon na tinitirhan nila at nasanay na siya sa buhay nilang iyon dahil walong taon lang siya magmula ng tumira sila roon. Nabili iyon ng kaniyang ina nang maisipan nitong ibenta ang dating bahay na tinitirhan nila noong kasama pa nila ang kaniya ama at buhat din sa napagbentahan noon ay nakabili rin ito ng second-hand na sasakyan na siyang ginagamit nito pagpasok ng ospital.
Alam niya at hindi lingid sa kaniya ang lahat ng hirap ng kaniyang ina kaya naman ito ang nag-iisang inspirasyon niya at pinaglalaanan ng lahat ng pagsisikap niya. Kaya noong magkolehiyo siya ay pinilit niyang makapasok sa isang malaking unibersidad at makakuha ng full scholarship dahil alam niya na doon lamang siya makakatulong sa kaniyang ina.
Hindi naman siya nabigo dahil sa kasalukuyan ay nasa pang-apat na taon na siya at nasa huling semester na rin ng kursong kinuha niyang Bachelor of Arts in Communication, pangarap kasi niyang maging mahusay na journalist. Hindi man naging madali ang lahat ng pinagdaanan niya ay kahit paano alam niyang malapit na niyang maabot ang mga pangarap niya.
Tumayo siya mula sa pagkakaupo niya sa sahig at tumingin sa ina na nasa kusina at nagluluto. "Ma, papasok lang po ako sa kuwarto ko, tawagin mo na lang po ako kapag kakain na tayo," paalam niya rito bago siya tuluyang pumasok ng silid.
"Okay," narinig niyang sagot pa nito.
Apat na hakbang lamang naman ang silid niya mula sa sala, dahil nga hindi naman ganoon kalakihan ang bahay nila at mayroon lamang silang dalawang silid doon.
Pagpasok niya ng silid ay lumapit siya sa maliit ding kama na nandoon. Higaan na niya iyon mula ng walong taon siya kaya naman luma na rin iyon. Mayroon din siyang maliit na cabinet, maliit na study table at maliit na bedside table. Lahat iyon ay gamit na niya mula pagkabata pero naingatan niya ang lahat ng iyon ng maayos.
Pabagsak niyang inihiga ang sarili sa kama at doon niya naramdaman ang sakit ng kaniyang katawan nang dahil sa ginawa sa kaniya ni Storm. Nang maalala niya iyon ay mabilis siyang bumangon ulit at lumapit sa salamin niya na nasa silid. Marahan niyang iniangat ang blusang suot at doon tumambad sa kaniya ang malaking pasa sa kaniyang likuran.
Dahil iyon sa pagtulak na ginawa sa kaniya ni Storm. Ayaw talaga niya sa ugali nang taong iyon dahil bukod sa saksakan na nito ng yabang ay ubod pa ng taas ang tingin sa sarili. Alam kasi nito na kahit anong gawin nito ay walang magagawa ang mga taong nasa paligid nito.
Unang beses lamang niya ito nakita sa komosyon na ginawa nito nang hapong iyon dahil nga sa ginawa nitong pananakit sa kaklase niya. At dahil nga sa isa itong Chavez at anak nang may-ari ng eskuwelahan ay walang sinuman ang nagtankang pumigil man lang dito ngunit ibahin siya nito dahil hindi kayang tagalan ng mata niya ang mga ganoong klaseng tao.
Hindi porke't mayroon ito ng lahat ng bagay at nakukuha nito ang lahat ng bagay ay may karapatan na itong manghamak ng ibang tao.
Like his name, Storm, he was a big disaster in her life.
"Fay, kakain na tayo," tawag sa kaniya ng ina kaya naman lumabas na siya ng silid sa halip na alalahanin ang lalaking iyon.
Pagtapos nilang kumain ay nagpahinga na siya dahil maaga pa rin ang pasok niya kinabukasan.