NAGPATIANOD na lang si Fay kay Storm, lalo na nang buhatin ito ng binata papasok sa cabin ng yate. Pakiramdam ni Storm ay uhaw na uhaw siya sa mga halik ni Fay kaya kahit naglalakad at buhat-buhat niya ito ay walang patid ang paghahalikan nilang dalawa. Nang makapasok sila sa loob ay inihiga niya ang dalaga sa kama roon. Hindi na siya nagsayang ng oras pa at hinubad na niya ang suot niyang boxer shorts at sinunod niyang hubarin ang mga damit nito. Pagtapos ay umibabaw siya rito, pinagsawa niya ang sarili sa katawan ni Fay at wala siyang pinalalampas sa bawat parte ng katawan nito, sinisigurado niyang lahat ay dinaraanan ng kaniyang mga kamay at labi. Lahat ng parte ng katawan nito ay maganda at lahat ng mga iyon ay minarkahan ng mga haplos at halik niya. Storm knew he was ready to take h

