NAGING abala si Fay sa pagpapasa sa mga deadlines nila sa Unibersidad dahil nga sa nalalapit na nilang pagtatapos. Mula nang gabi na nakausap niya si Storm ay hindi na siya nagkaroon pa ng pagkakataon na muling makita ang binata dahil sa naging abala na rin ito sa ginagawang pag-aaral ng kanilang negosyo. "Fay, maupo muna tayo, grabe! Nakakapagod naman, pambihira naman kasing mga Prof ‘yan puro pahabol, eh," hinihingal na ngang usal ni Candice. "Sige, tara," mabilis na pagsang-ayon naman niya dahil nakakaramdam na rin siya ng pagod. Lumakad sila papunta sa madalas nilang tambayan na magkakaibigan. "Hay sa wakas nakaupo din," wika ni Candice habang minamasahe ang mga binti nito pagtapos ay tumingin ng seryoso kay Fay. "Grabe 'noh! Ang bilis ng panahon," tapos tumingin ito sa paligid. "Ii

