David's POV
Isang alok. Isang linggo. Isang babaeng ayaw bumigay.
Madaling sabihin na wala akong pakialam. Na ito'y isa lamang sa daan-daang transaksyong ginawa ko sa buong buhay ko. Bilhin ang gusto, ayusin ang kailangan, at iwaksi ang hindi sumasang-ayon.
Pero hindi si Cassandra Rodriguez. She was a different kind of currency. She was rare. Untouchable. And that made her... irresistible.
Cassandra had a natural beauty. Walang makeup. Walang pabango. Pero kahit ganoon, lumalaban ang presensya niya sa kahit sinong babaeng nakita ko sa red carpet, private yacht, o sa harap ng lens ng kamera.
Minsan iniisip ko, bakit siya?
Bakit hindi si Layla, ang Miss Universe runner-up? O si Monica, ang CEO na malapit nang mapasama sa Forbes 30 Under 30?
Simple lang.
Because Cassie told me no.
Sa mundo ko, "no" is a foreign concept. I was raised with everything at my fingertips power, access, influence, and the kind of privilege people dream about when they lie awake at night, wondering if life will ever change.
Pero siya? Hindi niya ako pinangarap. Hindi niya ako nilapitan. Hindi siya napakapit sa bawat salitang lumalabas sa bibig ko.
At dahil doon… gusto ko siyang mapasakin kahit pa magkano ang halaga.
"I'm not interested." Those words echoed in my mind like a slap I didn’t expect.
Nakangiti ako. I always am. Pero sa ilalim ng ngiting iyon, alam kong may tumama.
"Pag-isipan mong mabuti ang inaalok ko sa'yo. Isang linggo lang, Cassie. And you'll be free."
Akala ko noong umalis siya, hindi siya papayag sa inaalok ko. Pero nagulat ako kinabukasan nang sumipot siya sa address na ibinigay ko.
She wasn’t just resisting for pride. She was protecting something deeper.
Maybe her dignity. Maybe her story. Maybe someone she couldn’t afford to lose.
Napangiti ako. Hindi dahil nanalo ako. Kundi dahil nakakita ako ng babaeng may lakas ng loob na makipag-deal sa isang Yao.
Wala nang tanong. Wala nang paligoy. Because I was ready to pay any price.
Pagpasok niya sa yate, napansin kong hindi niya ako tinitingnan. Ang posture niya matuwid, pero hindi tense. Wala siyang takot may pinipigil lang. Emosyon na pilit niyang kinukulong.
Dito sa yate namumuhay ako sa kalayaan. Dito ako walang kaagaw. Dito ko inaayos ang mundo ayon sa gusto ko. Pero ngayong kasama ko siya sa loob, parang biglang nag-iba ang temperatura.
Habang papalayo ang yate sa daungan, alam kong may agam-agam siya.
Hindi siya umupo agad. Tinanaw niya ang karagatan. Habang ako, pinagmamasdan ko ang babaeng ngayon ay pinili kong tanggapin hindi bilang panalo, kundi bilang panganib.
"Wine?" Alok ko sa kanya, casual.
Wala siyang pag-aatubiling tinanggap iyon.
"Bakit mo talaga ginagawa ‘to?" tanong niya, matalim. "Hindi ka nauubusan ng babae. Kaya bakit ako?"
Tumitig ako sa kanya. Hindi ako umiiwas. Hindi ako nagsinungaling.
"Because you make me feel powerless."
She froze.
Alam kong hindi iyon ang sagot na inaasahan niya.
Pero totoo iyon.
Sa lahat ng babae, lahat ng pulitiko, lahat ng negosyante’t influencer na nakasama ko sa mesa walang nakapagpabagsak sa confidence ko gaya ni Cassie.
Hindi sa pagsigaw. Hindi sa drama. Kundi sa pananatiling buo kahit ako na ang nasa harap niya.
Gabi na.
Tahimik ang paligid habang binabaybay ng yate ang kalmadong dagat. Sa labas, puro bituin. Sa loob, puro tanong.
The woman was sitting by the edge of the deck. Yung buhok niya hinahampas-hampas ng hangin, pero wala siyang pakialam. Tahimik lang. Malayo ang tingin.
At Ako?
Nakatayo lang sa loob, may hawak na basong may alak pero hindi umiinom. Dahil sa unang pagkakataon… hindi ako sigurado kung anong dapat kong gawin.
This wasn’t just about the money anymore.
This wasn’t even about the deal.
This was about her silence and why it was louder than anything I’ve ever heard.
“Cassie,” tawag ko, dahan-dahan.
Hindi siya lumingon. Pero alam kong narinig niya ako.
Lumapit ako. Hindi masyadong malapit. Just enough para marinig niya ang boses ko nang hindi ko kailangang sumigaw.
“You’re not scared,” sabi ko.
Hindi pa rin siya tumingin. Pero nagsalita siya, mahina.
“Should I be?”
Ngumiti ako. “Most people are. Especially when they realize they’re stuck with me in the middle of the sea.”
She finally turned.
At ang mga mata niya? Hindi galit. Hindi rin takot.
Blanko. Parang pagod. Parang ilang taon nang kinikimkim ang lahat ng bagay at wala nang lakas para ilabas pa.
“Hindi ako natatakot sa’yo, Mr. Yao,” aniya. “Mas natatakot akong isipin kong pa ang kaya kong gawin para lang mabuhay ang mga taong mahal ko.”
Hindi ako nakasagot agad.
Dahil sa lahat ng punchlines ko, lahat ng sarcasm, lahat ng kayabangan wala akong panlaban sa totoo.
Hindi ko siya kayang i-comfort. Hindi ko siya kayang ayusin. Dahil hindi siya sirang gamit. Hindi siya project. Hindi siya isa sa mga babaeng kailangan ko lang pasayahin ng mamahaling regalo at matatamis na salita.
She was real.
At ang bigat ng pagiging totoo niya… nakakatakot.
Tumango lang ako. Walang biro. Walang ngiti.
“Gusto mo ng rules?” tanong ko.
“Gusto ko ng boundaries,” sagot niya. “At respeto.”
I held her gaze. “Then I’ll give you both. Kahit pa hindi ako sanay.”
Nagtagal kami sa katahimikan.
At sa unang pagkakataon, wala akong gustong sirain. Wala akong gustong kunin.
Gusto ko lang manatili sa tabi ko, kahit hindi ko maintindihan kung bakit.
Maybe I was the storm.
But she? She was the eye of it calm, still, dangerous in the most unexpected way.
Natapos ang gabi na walang nangyari sa amin.
Wala ni isang halik.
Walang yakap.
Not even the brush of skin may ibig sabihin.
At hindi dahil ayaw ko.
Let's be clear I’m a man. A man who paid ten freaking million pesos for this.
Pero pinilit ko ba siya?
No.
Hindi ko siya tinabihan sa kama.
Hindi ko siya sinubukang lambingin.
At lalong hindi ko siya pinilit.
Bakit?
Because I’m not a monster.
And maybe… just maybe, I was scared of what it would feel like to touch her only to realize I’d still be a stranger in her eyes.
Sa totoo lang, mas pinili ko pang manahimik. Umupo sa deck. Magbukas ng scotch. At manood ng mga bituin na para bang sila lang ang hindi nanghuhusga sa akin.
She went to the guest room and closed the door. Didn’t even say goodnight.
And I let her.
We both knew this wasn’t about s*x.
This was about power.
Control.
Freedom.
Ang irony lang?
I had the money, the name, the yacht…
But she was the one holding the reins.
Siya ang may desisyon. Siya ang may hangganan.
At Ako?
Ako ang lalaking nagbayad ng sampung milyon para lang matutong maghintay.
Kinabukasan
Nagising ako sa amoy ng kape.
Hindi pabango. Hindi breakfast in bed.
Kape. Matapang. Matino. Parang siya.
Bumaba ako sa kitchen area ng yate at, lo and behold, there she was naka-ponytail, oversized shirt, walang makeup, walang pakialam sa kung sino ako.
Nagkakape siya sa sarili kong mug.
‘Yung mug na may print na "I run the world."
Well, not today.
“Morning,” bati ko, casually.
Hindi siya lumingon.
“Mainit ang araw, Mr. Yao. Baka masunog ka.”
Napangiti ako. Sarcastic Cassie is back.
“Worried ka?” tanong ko habang kumukuha ng baso ng tubig.
“Nope. I just don’t want to explain to the coast guard kung bakit may sunog na ego floating in the sea.”
Okay. She’s in full form.
Umupo ako sa tapat niya. Tinignan ko siya. Hindi siya umiwas.
Tinitigan din niya ako habang iniinom ang kape.
Ang mga mata niya, malamig pero gising. Parang hindi siya natulog, pero hindi rin siya pagod.
“Natulog ka ba?” tanong ko.
“Sa ₱10 million, dapat ba?” balik tanong niya agad.
Napatawa ako. “Sana nag-complain ka agad. May refund policy ako for unsatisfactory service.”
“Good. Pakiredirect nalang sa Meralco, Manila Water, at sa bangko. Mas may kwenta sila kausap.”
She stood up.
Lumakad papunta sa deck, hawak pa rin ang mug na parang siya may-ari ng yate.
At sa mga hakbang niya, alam kong kahit binili ko ang isang linggo ng oras niya hindi ko nabili ang tiwala niya, ang respeto niya, o kahit isang piraso ng puso niya.
She was here, yes.
But she wasn’t mine.
And that?
That made me feel more broke than I’ve ever been in my life.
-Itutuloy...