Cassie’s POV
Hindi ko inakalang totoo pala talaga na may kasamang kirot ang unang beses.
Akala ko dati, arte lang ‘yon sa mga romance novel o acting lang sa mga pelikula. Kesyo "mahapdi," "masakit," "iba." Ang iniisip ko noon, mga artista lang ‘yon, trained magpanggap.
Pero ngayong narito na ako… ngayon ko lang lubos na naiintindihan.
Sa edad kong bente-tres, never kong hinayaan na may umangkin sa katawan ko. Hindi dahil walang nag-attempt. Hindi dahil wala akong naging boyfriend meron naman. Siguro apat, lima?
Pero sa tuwing nararamdaman kong gusto na nilang may mangyari, palaging may bumubulong sa loob ko na, “Hindi pa ngayon.” At ‘yun na. Wala pang nakakaiskor.
Hindi dahil sa pabebe ako, kundi dahil gusto kong gawin ‘yon sa tamang tao. Sa tamang dahilan. Sa tamang sandali.
Ironically, ang lalaking naging una sa lahat ay ‘yung taong binayaran ako para makasama niya nang isang linggo.
John David Yao.
Yung lalaking sa simula pa lang ay ayoko na. Yung feeling ko, mayabang, makulit, babaero, at wala nang ibang ginawa kundi ang i-charm ang lahat ng babae sa paligid niya.
Pero heto ako ngayon nakahiga sa tabi niya. Nakatalikod, pero ramdam ang mahigpit na yakap niya mula sa likod. Ang mahinang hinga niya sa batok ko. Para kaming puzzle na eksaktong nagtugma.
Hindi ko ibinigay ang sarili ko dahil sa ₱10 milyon.
Hindi dahil sa kasunduan.
Hindi dahil sa utang.
Hindi dahil sa awa.
Ginusto ko.
Ginusto ko… dahil for once, gusto kong gawin ang isang bagay na hindi dahil kailangan. Kundi dahil pinili ko. Dahil naramdaman kong tama.
Walang kahindik-hindik na harana. Walang dinner by candlelight. Walang matamis na “I love you.” Pero sa simpleng gabing ‘yon habang magkasama kami sa ilalim ng mga bituin, habang nagtatawanan, habang nagbibiruan, habang unti-unti kong nakikita ang isang David na hindi nakikita ng iba parang may nahulog.
Ako yata ‘yon.
Mali ba?
Oo.
Posibleng oo.
Pero sa ngayon, ayoko muna alalahanin ‘yon.
Kasi habang naririto siya, habang nakayakap siya sa akin na parang ayaw niya akong pakawalan… habang tahimik ang gabi at kami lang ang naririto, gusto ko munang maniwala na may puwang para sa ganitong klaseng sandali.
Yung wala akong kailangang bayaran.
Walang kailangang isugal.
Walang dapat pagsisihan.
Sa unang pagkakataon, pinili kong ipikit ang mata ko hindi para umiwas kundi para maalala ang gabing ‘yon.
Ang gabing naging akin din siya.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Ang huling alaala ko ay ‘yung mga braso niyang nakapulupot sa baywang ko, habang nakatalikod akong nakaunan sa dibdib niya. Mainit. Tahimik. Para bang kahit isang linggo lang, gusto ng katawan kong makalimot.
Nagising lang ako nang maramdaman ko ang marahang halik sa batok ko. Paunti-unti, banayad parang tinutukso ako pabalik sa pagitan ng panaginip at realidad.
Muli kong naaninag ang paligid. Dim ang ilaw. Malamig pa rin ang aircon. At ang lalaki sa likuran ko... gising. Gising na gising.
“David…” tawag ko, halos isang bulong lang sa pagitan ng hininga.
“Hm?” sagot niya, mababa ang boses, parang inaantok pa pero hindi tumitigil ang ginagawa.
Ang mga labi niya ngayon ay gumagapang sa gilid ng leeg ko. Mainit. Mabagal. Tila ba may sinusulat sa balat ko gamit ang init ng hininga niya.
Naramdaman ko ang isang kamay niyang dahan-dahang gumapang sa katawan ko mula sa baywang, paakyat sa tadyang, sa ilalim ng dibdib ko, at pabalik ulit sa puson. Parang may hinahanap. Parang may gustong gisingin.
Pumikit ako. Hindi ko alam kung lalaban ako, o kung bibigay na naman ako.
Hanggang sa naramdaman kong inangat niya ang isang hita ko. Maingat. Walang pilit. Parang hinihintay kung papayagan ko ba siya.
“Tell me to stop…” bulong niya sa mismong tenga ko.
Tumigil ang mundo.
Ang puso ko, parang nagdadalawang-isip kung titibok ba ng mas mabilis o tuluyan nang titigil.
Alam kong kaya kong magsalita. Alam kong kaya kong mag-“hindi” kung gugustuhin ko.
Pero hindi ako nagsalita.
Hindi ko siya pinigilan.
Sa halip, humigpit pa ang hawak ko sa bisig niyang nakaangkla sa baywang ko. Isang galaw na parang senyas. Oo. Huwag ka nang tumigil.
Hindi na siya nagsalita. Hindi na ako nagtanong.
Ang init ng palad niya ay muling gumapang sa balat ko parang musika na sinasayaw ng katawan ko kahit wala akong sinasabi. Hinalikan niya ang balikat ko, pababa sa likod ng leeg, habang dahan-dahang humihigpit ang yakap niya mula sa likuran.
I turned to face him.
Nagtama ang mga mata namin. Muli.
There it was again. That look. Yung tingin niya na parang ako lang ang babae sa mundo. Walang ibang noise. Walang ibang demand. Just this. Just us.
Inangat niya ang kamay niya at tinanggal ang hibla ng buhok sa pisngi ko. His thumb brushed my lips halos hindi ko na kailangang sabihing gusto ko siyang halikan.
So I did.
Ako na ang humalik sa kanya.
Mainit. Mabagal. Parang panimula ng isang kasunduan na hindi na kailangan ng salita.
Naglakbay ang halik niya pababa sa baba ko, sa leeg, pababa pa sa dibdib. Nang muling gumapang ang kamay niya sa bewang ko, walang galit, walang pagmamadali puro init lang. Puro pagnanais.
At sa unang pagkakataon, hindi ko naramdaman na binili ako.
Nararamdaman ko lang… ako si Cassie, isang babaeng pinili ito. Hindi dahil kailangan. Kundi dahil gusto ko. Gusto ko siya.
“Are you sure?” tanong niya, habol ang hininga habang ang noo niya'y nakasandal sa balikat ko.
Tumango ako, at sa kauna-unahang pagkakataon, ako ang humila sa kanya palapit.
Masakit. Oo.
Pero mas kaya ko ang sakit na ito kaysa sa sakit ng pagkukunwari.
At kahit may luhang lumabas sa gilid ng mata ko, hindi iyon dahil sa pagsisisi.
Ito ang unang beses na ibinaba ko ang lahat ng takot. Na pinili kong lumaban, sa paraang alam kong wala nang balikan.
At sa katahimikan ng cabin, sa gitna ng dagat, yakap niya ako mahigpit, mainit.
Doon ko nalamang minsan... ang mga desisyong binabayaran ng puso, sila ang pinakamatagal mong tatandaan.
Ang init ng sikat ng araw ang unang dumampi sa balat ko hindi aircon, hindi lamig ng yate, kundi ang natural na liwanag na tila sumilip sa isang bagong realidad.
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Hindi muna ako gumalaw. Ninanamnam ko ang katahimikan… ang bigat ng braso niyang nakapulupot sa baywang ko… ang tila ba hindi totoo pero nangyari kagabi.
Nakatalikod ako sa kanya. Pareho kaming walang saplot, magkadikit ang balat, magkasabay humihinga.
Hindi ako agad nagsalita. Ni hindi ako sigurado kung ano ang dapat kong sabihin.
Hindi ko alam kung naramdaman niya ang bahagyang pag-iba ng paghinga ko, pero ilang segundo pa lang ay naramdaman kong gumalaw siya.
“Cassie…” mahinang tawag niya.
Lumingon ako. Hindi ko alam kung ano ang makikita ko kumpiyansang mayabang na naman ba? O ngiti ng panalo?
Pero hindi.
Ang David Yao, na kilala ko sa pagka-playboy, ngayon ay nakatitig sa akin na para bang hindi siya sanay sa umaga. Hindi siya sanay gumising na may ibang tao sa tabi niya… lalo pa, isang tulad ko.
“Good morning,” bulong niya.
“Morning,” mahina kong tugon, pilit kinokontrol ang damdamin.
Hindi kami agad kumilos. Parang pareho naming gustong panatilihin ang katahimikang iyon. Yung sandali bago bumalik ang realidad. Yung moment bago kami muling maalala na ito’y isang kasunduan isang linggo kapalit ng pera.
Pero paano kung hindi na lang ito iyon?
Napahinga siya nang malalim, saka humilig pabalik sa unan, hindi inaalis ang braso niya sa akin.
“About last night…” bulong niya.
Kinabahan ako. Isusumbat ba niya? O pagtatakpan? Gagawa ba siya ng joke para takasan ang seryosong usapan?
Pero nagulat ako sa sinabi niya.
“…I wasn’t supposed to touch you like that. Not yet. But I couldn’t stop.”
Tahimik lang ako.
“You were just… beautiful. And fragile. And strong. All at once.”
Umiling ako, pilit na ngumiti.
“Wag mo akong gawing poetic,” sagot ko. “We both know this isn’t that kind of story.”
Napatawa siya nang mahina, pero hindi siya umalis sa pagkakayakap.
“Well, maybe this story just changed direction.”
Napalingon ako sa kanya. “Seryoso ka ba?”
“Cassie,” tinitigan niya ako, “I don’t do serious. I don’t do mornings like this. Pero narito ako, hindi dahil pinilit mo ako. Hindi rin dahil binayaran kita. I’m here because I want to be.”
Napalunok ako.
At sa loob-loob ko, isang bagay lang ang malinaw.
Hindi ko na siya kayang itulak palayo gaya ng dati.
Hindi na ako sigurado kung sino ang talagang may hawak ng kontrol ngayon.
Hindi na lang ito basta “deal.”
Ito na ang simula ng mas delikadong laro.
-Itutuloy...