David’s POV Isang linggo na ang lumipas. Isang linggo mula nang bumaba kami mula sa yate. Isang linggo mula noong huli kong nakita si Cassandra Rodriguez. Wala kaming komunikasyon. Wala ni isang tawag. Wala ring text. Tahimik siya. At hinayaan kong gano’n din ako. Akala ko magiging madali. Akala ko, pagkatapos ng dalawang linggo naming magkasama sunog sa araw, sunog sa balat, at sunog sa libog magiging madali lang burahin ang lahat. Alam mo 'yung trip lang? Yung parang bakasyon lang ang lahat. Akala ko kaya kong isantabi. Akala ko... Pero, putangina. Bawat gabi, lalo na bago ako matulog, siya ang laman ng isip ko. Naririnig ko pa rin ang boses niya. Yung tawa niya kapag inaasar ko siya. Yung inis niya kapag nagkukunwari akong clueless. Yung... ungol niya, habang nasa ilalim ko. Tila

