Cassie’s POV Pagkatapos ng check-up, halos hindi pa rin ako makapaniwala sa natuklasan namin. Habang nasa sasakyan pabalik sa mansion, hawak ko pa rin ang kamay ni David nang mahigpit. Ramdam ko ang pawis sa palad ko kahit naka-aircon kami. “Love,” bulong ko, hindi pa rin makapaniwala, “paano natin sasabihin kina Mommy at Daddy mo?” Napangisi siya, halatang pinipigilan ang sobrang tuwa. “Simple lang. We’ll tell them the truth. Na hindi lang isa, hindi lang dalawa, kundi tatlo ang apo nila.” Halos mapatawa ako kahit nanginginig pa rin ang dibdib ko. Tatlo. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin lubos maisip. Pagdating namin sa mansion, sinalubong agad kami ni Mommy Yao sa living room. Kita ko sa mukha niya na sabik na sabik siyang marinig ang resulta. “How was it? Kumusta ang baby?” tanong

