Geraldine "ARAY KO! Napakasakit ng ulo ko," daing ko nang magising ako. Ang sakit ng buong katawan ko at parang binibiyak ang aking ulo. Nag-inat ako at idinilat ang aking mata pero dahil sa sobrang sakit ng ulo ko ay napapikit ulit at napahawak na lang sa aking ulo. Ang hirap pala ng may hang-over! First time kong maranasan ang ganito, ayoko na! "`Yan ang napapala ng lasengga," sabi ng kapatid kong si Grachelle. Nakatayo ito sa may pinto. Magkakrus ang mga braso. Hindi ko man lang siya napansin. Nakataas ang kilay nito. "Nand’yan ka pala. Sorry kahapon, ha?" sabi ko saka bumangon at inayos ang hinigaan ko. "Pasalamat ka, sinundo ako ni Dexter kung hindi forever na kitang hindi kakausapin. Ang tagal ko kaya sa mall. Para akong tanga roon," naka-pout na sabi nito saka umup

