-open and share your story with the one you can trust. Geraldine 4:00 am. MAAGA AKONG gumising para ihanda ang mga gamit na dadalhin para sa medical mission sa Batangas. Ilang damit para sa sleep over sa bahay ni Dexter. Isinilid ko rin ang cookies at cupcakes sa isang malaking paper bag. Tumawag sa akin si Dexter kagabi para sa sabihing alas singko niya ako susunduin. Sinabi rin nitong nauna na ang medical team sa Batangas kaya susunod na lang kami. Alas otso mag-uumpisa ang medical mission at kung maaga kami makakaalis galing sa Maynila, makakarating kami roon bago mag-alas otso. Handa na ako nang gisingin ko si Grachelle. Bumangon naman ito at naupo sa kama. "Grace, ikaw na ang bahala rito, ha?" "Oo. Basta mag-ingat ka roon, ah." Niyakap niya ako. "Thank y

