Geraldine "HOY ATE, gising na!" narinig kong sabi ni Grachelle habang niyuyugyog ang balikat ko. Ang sarap ng tulog ko nang-iistorbo. "Hmmm..." tanging tugon ko. Tinatamad pa akong bumangon. Tulad ng dati wala akong ganang kumilos. Gusto ko lang magkulong sa kwarto maghapon. Matulog na lang kaysa gising ako pero maraming iniisip. Baka maiyak na naman ako. "Ano ba, Ate? Bumangon ka na." Nilakasan pa niya ang pagyugyog sa balikat ko. Ang kulit talaga ng babaeng ito. Muli akong umungol. "Inaantok pa ako, Grace. Mamaya mo na ako gisingin." Reklamo ko. "Hindi p’wede. Kailangan gumising ka na ngayon. Nand’yan na `yong sundo mo." "Hayaan mo siya." Wala sa loob na sabi ko. Binalewala ko lang ang sinabi niya. Gusto kong ibalik ang isip sa pagkakatulog ngunit biglang nag-ech

