Sydney Ortiz
“S-sorry po,” paghingi ko ng paumanhin at pagkuwan ay mabilis na akong pumasok sa loob ng VIP room.
Bahagya ko munang kinalma ang sarili ko dahil sa lakas na pagkabog ng dibdib ko dahil sa nangyari kanina. Huminga ako ng malalim at pagkuwan ay nagtuloy na sa pagpasok sa loob. Namangha ako nang makita ang kabuuan na ayos at ganda ng VIP room. Ito ang unang beses na nakapasok ako sa VIP room at talaga naman na napakaganda at elegante nito.
Nagtungo ako sa kwarto kung saan matatagpuan ang king size na kama. Agad naman akong napatingin sa dala kong bedsheet cotton.
“Naku po, standard bed size nga lang pala ito,” mahinang pagkausap ko sa aking sarili nang maalala kong ang mga nakalagay na bedsheet nga pala sa cabinet na pinagkuhaan nito ni sir George, ay mga standarad bed size lamang.
Marahan akong napakamot sa aking ulo saka nahihiyang lumabas ng VIP room ni sir George.
“Are you already done?” tanong nito nang makita ako.
“Naku, sir. Nakalimutan ko pong iba pala ang size nito,” mahinang usal ko.
“What?” tanong niya nang hindi niya maunawaan ang ibig kong sabihin.
“Ngayon lang po kasi ako nakapasok sa loob ng isang VIP room, at hindi ko po alam na king size po ang kama roon. Standard bed size lang po kasi ang bedsheet cotton na ito,” magalang na tugon ko sa kanya.
“Ah… ganoon ba?” tatango-tangong tugon niya. “It’s okay, ipagagawa ko na lang iyan sa iba —” Agad ko naman siyang pinutol.
“Naku, sir. Hindi na po. Ako na lang po ang gagawa. Trabaho ko rin naman po iyon. Sandali lang po.” Pagkasabi ko no’n ay mabilis ko na siyang tinalikuran at naglakad palayo.
Sumakay ako sa elevator pababa. At dali-daling nagbalik sa housekeeping store.
“Juliet, saan nakalagay ang mga king size na bedsheet natin?” tanong ko kay Juliet nang makita koi tong palabas na sana ng housekeeping store.
“Ah, oo nga pala. Sa VIP room si sir George kaya hindi kakasya sa kama niya ang standard bed size,” saad ni Juliet nang bahagya pa itong tumingin sa dala-dala kong bedsheet cotton. “Halika, sumunod ka sa akin,” anito at mabilis nga akong sumunod sa kanya.
Dinala ako ni Juliet sa kabilang bahagi ng housekeeping store at doon ay may mas magaganda at mas mababangong bedsheet ang naroroon.
“Dito kinukuha ang mga gamit para sa VIP rooms ng Blue Prime Hotel,” pahayag ni Juliet sa akin. Namamanghang tatango-tango naman ako sa kanya habang iginagala ko ang aking mga mata sa buong kapaligiran. “O, sige. Maiwan na muna kita. Babalik na ako sa duty ko. Tapos na ang break time,” sabi pa niya saka tuluyan na nga akong iniwanan.
Inilapag ko ang standard bedsheet size na hawak ko at saka ako namili ng pinakamagandang king size bedsheet cotton para kay sir George. At hindi ko alam kung bakit napapangiti pa ako habang ginagawa koi yon.
“Excited much, Sydney? Parang tanga lang?” mahinang saway ko sa aking sarili. Sa huli ay iwinasiwas ko na lamang ang ulo ko at pilit na ibinalik ang isipan sa trabaho.
Nang tagumpay na akong makapili ay mabilis na akong lumabas ng housekeeping store at nagtungo sa may elevator. Pasakay na sana ako no’n nang biglang may tumawag sa pangalan ko.
“Sydney!” Agad akong napalingon at nakita ko si Ruth na nagmamadaling patungo sa akin. “Magpunta ka muna sa Director’s office ngayon sa 20th floor,” utos niya sa akin nang tagumpay siyang makalapit sa akin.
“P-po?” kunot-noong tanong ko sa kanya.
Mas matanda ng limang taon sa akin si Ruth kaya naman mataas ang respeto ko sa kanya bukod sa pagiging tenure niya sa trabaho.
“Wala kasi ang naka-duty doon para maglinis. Ikaw na lang muna ang pumalit,” aniya.
“P-pero po… hindi ko po alam kung paano —”
“Ano ang hindi mo alam? Paglilinis na nga lang ang trabaho mo tapos sasabihan mo pa ako ng hindi mo alam kung paano?” mataray na wika niya. Bahagya akong natigilan dahil sa sinabi niya.
“K-kasi… hindi naman ako na-train para doon. Baka po magkamali ako at isa pa… hindi ko po alam kung saan ang Director’s office —” Hindi na naman niya ako pinatapos sa sinasabi ko.
“Marunong ka naman sigurong magbasa, hindi ba?” mataray na tanong niya. “Nasa 20th floor iyon. Hanapin mo kung hindi mo alam. Hindi naman yata pwedeng lahat na lang ng bagay ay kailangan pang isubo sa iyo.”
Napayuko na lamang ako at napalabi. Alam kong mataray ang personality niya pero parang hindi naman yata tama na ilagay niya ako sa trabahong hindi pa naman ako pamilyar. Maiintindihan ko sana kung galing kay Ms. Leticia ang utos na iyon. Pero hindi eh.
“May ikakatwiran ka pa ba?” mataray na tanong sa akin ni Ruth. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at pinigilan ko ang sarili ko na samaan siya ng tingin o sumagot ng pabalang sa kanya.
“Wala po. Susundin ko ang utos mo, Ms. Ruth,” marahang tugon ko rito sabay ngiti ko ng peke. Pinindot ko ang number 18 sa elevator para magpunta muna sa VIP room ni sir George nang magsalita naman ulit si Ruth.
“Para kay sir George ba iyan?” tanong niya. Nilingon ko siya at bago pa man din akong makasagot sa kanya ay mabilis na niyang kinuha sa akin ang hawak-hawak kong king size bedsheet cotton. Nagulat ako sa ginawa niya at binigyan ko siya ng ‘anong-ginagawa-mo-look.’
“Ako na ang magdadala sa kanya nito,” saad niya sabay ngiti sa akin ng pagkatamis-tamis.
“Huh?” gulat na reaksyon ko. Ilang sandali pa nang tumunog ang elevator sa harapan namin at nang bumukas ito ay mabilis siyang sumakay roon.
“Ano pang tinutunganga mo dyan? Kumilos ka na. Sa 20th floor, okay?” pahabol na wika niya pa hanggang sa sumara nang muli ang pintuan ng elevator.
Napasinghap na lamang ako sa kawalan dahil doon.
“Napakadaya! Palibhasa ay mas mahirap ang gagawing paglilinis sa Director’s Office kaysa sa pagpapalit ng bedsheet,” mahinang reklamo ko sa aking sarili. “Nakakainis! Ako ang pumili ng magandang bedsheet na iyon e,” dagdag na reklamo ko pa at sa huli ay padabog na lamang akong naglakad at kumuha ng mga cleaning materials na gagamitin ko para sa paglilinis sa Director’s Office na sinasabi ni Ruth.
Nang makapaghanda na ako ay nagtungo na nga ako sa elevator upang sumakay paakyat sa 20th floor. Sinulyapan ko ang oras sa relong suot ko. Alas dyis na ng gabi. At ang balita ko ay hanggang alas sais lang ang oras ng mga management staff ng Blue Prime Hotel. Kaya sigurado rin akong wala ng mga tao roon, maliban na lang siguro sa security kung mayroon man.
Pinindot ko ang number 20 sa elevator at hinintay na magbukas ito. Ilang sandali pa nang bumukas na nga ito ay bumungad naman sa akin si sir George na lulan nito.
“S-Sir George,” nakangiting bati ko sa kanya.
Nakangiti rin naman itong lumabas ng elevator at lumapit sa akin. Tiningnan niya ang tulak-tulak kong cart na may mga cleaning materials.
“Kaya pala hindi na ikaw ang bumalik sa akin,” nakangiting saad niya.
“Pasensya na po, sir, nautusan na po kasi ako.”
“It’s okay. Wala sa akin iyon,” nakangiting tugon niya.
“Uhm… sige po, sir. Mauna na po ako,” nakangiting paalam ko sa kanya.
“Uhm... anong oras ang out mo bukas?” tanong niya sa akin.
“Po?”
Bahagya niyang itinaas ang kamay niyang nilagyan ko ng benda kanina. “Sasamahan mo ako hindi ba? Sabi mo, I need to see a doctor,” nakangiti pa rin siya nang sabihin sa akin iyon.
Dahil doon ay napangiti na rin ako. “O-opo, sir. Sasamahan ko po kayo. Alas syete po ng umaga ang out ko bukas, sir,” magalang na tugon ko sa kanya.
“Good. Thank you and… good night,” saad niya.
“Good night, sir. Bye po,” paalam ko na rito saka ako tuluyan nang sumakay sa elevator.
Nakita ko pa ang matamis niyang ngiti habang unti-unting sumasara ang pintuan ng elevator, at hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng kakaibang tuwa dahil sa mga ngiti niyang iyon.
“Ang bait-bait talaga niya,” nakangiting pagkausap ko sa aking sarili.
Masaya pa akong napapahimno mag-isa habang sakay ng elevator. Ilang sandali pa nang bumukas na ito nang nasa tamang palapag na ako. Lumabas ako ng elevator habang tulak-tulak ang cleaning materials cart. Pagkalabas ko ay namangha naman ako sa ganda, lawak at linis ng palapag na ito.
Malalaki ang bawat opisina na narito at mangha ko iyong pinagmamasdan habang naglalakad at hinahanap kung nasaan ang Director’s Office. Nang matagpuan ko naman iyon dahil sa tulong nang nakapaskil sa itaas ng magandang pinto nito ay agad na akong pumasok.
“Bakit bukas pa ang mga ilaw rito?” bulong ko sa aking sarili nang makapasok na ako.
Isinara ko ang pintuan at nag-umpisa na nga ako sa paglilinis. Isa-isa kong pinunanasan ang mga gamit, tables at office shelves na naroon. At bahagyang napadako ang atensyon ko sa isang picture frame na naroon sa ibabaw ng office table.
Kinuha ko iyon at mabuting pinagmasdan ang nasa larawan. Isang matandang babae at matandang lalaki ang nasa tabi ng isang gwapong lalaki. Sandaling kumislot ang puso ko nang pagmasdan ko ang larawan ng lalaking nasa gitna.
“Ang gwapo naman nito,” mahinang usal ko habang parang nahihipnotismo ako sa mga ngiti at mata ng binata na nasa larawan.
Tiningnan ko ang nasa ibabaw na office desk name plates at marahan na binasa ang nakasulat doon.
“Executive Director Ethan Vego.” Muli akong bumalin sa picture frame na hawak ko. “Siya siguro si Director Ethan. Totoo nga ang sinasabi nila na bata pa ito at gwapo,” pagkausap ko sa aking sarili.
Maya-maya pa ay nagulat ako nang may marinig akong mga ingay mula sa isang kwarto sa loob ng opisina na ito. Gumalaw ang doorknob ng pintuan na iyon at kahit na natataranta ako ay mabilis pa rin akong nakakilos. Hinila ko ang cleaning materials cart na dala-dala ko patungo sa likuran ng malaking office shelves at doon ako nagtago.
Marahan akong sumilip at nanlaki ang mga mata ko nang makakita ako ng isang gwapong nilalang na nagmula sa isang kwarto. Maluwag ang necktie na suot nito habang gusot-gusot pa ang buhok nito. Halatado na galing ito sa pagtulog, dahil humihikab-hikab pa itong naglalakad habang kinukusot-kusot ang mga mata.
“Nandito pa pala siya,” mahinang usal ko sa aking sarili.
Nanatili akong nagtatago mula sa likuran ng malaking office shelves at pinagmamasdan lamang siya. Naupo siya sa swivel chair niya at nagsimulang kalikutin ang keyboard ng laptop. Seryoso siyang nagtatrabaho at hindi ko alam kung bakit parang nae-enjoy ko ang lihim na pagmamasid sa kanya.
Ilang sandali pa nang biglang bumukas ang pintuan ng opisina niya at iniluwa no’n ang isang sexy at matangkad na babae.
“What are you doing here?” kunot-noong tanong ng gwapong lalaki sa kadarating lang na babae.
“Napaka-workaholic mo talaga,” nakangising tugon ng babae. Dere-deretsyo itong nagtungo at naupo sa ibabaw ng lalaki. Natutuop ko ang aking bibig dahil sa nakita kong iyon. “Naisipan kong puntahan ka para mabigyan ka naman ng energy,” makahulugang saad ng babae.
At sa isang iglap ay mabilis na sinunggaban ng babae ng halik ang lalaki. Agad naman akong napapikit dahil sa nakita ko.
‘Diyos ko! Ano po ba naman itong nasasaksihan ko?’ Bulong ng utak ko.
Marahan akong muling nagmulat ng mga mata ko at kinilabutan ako nang makitang uhaw na tinutugunan ng lalaki ang bawat paghalik sa kanya ng babae. Gumagala pa ang kamay ng lalaki sa katawan ng babae at ang kamay ng babae ay isa-isang tinatanggal ang butones ng suot na polo ng lalaki.
Nang mga sandaling iyon ay tila ba nanigas ako at hindi ko malaman ang gagawin ko. Literal na nanlalaki ang mga mata ko at unti-unting nawawasak ang kainosentihan ko dahil sa mga nakikita ko.
Habang malalim silang naghahalikan at iniusod ng lalaki ang mga gamit niya na nasa ibabaw ng table. Saka niya kinalong ang babae at doon ay iniupo. Narinig ko pang napaungol ang babae dahil sa ginawang marahas na paghawak ng lalaki sa kanyang baywang papunta sa kanyang dibdib.
Sunod-sunod naman akong napalunok habang lihim silang pinagmamasdan. Hanggang sa tuluyan nang mabilis na nahubad ng lalaki ang suot na pangtaas ng babae. Bago niya angkinin ang malulusog na dibdib ng babae ay mabilis na akong tumalikod at napaupo mula sa kinatataguan ko.
Malakas ang pagkabog ng dibdib ko dahil sa mga nasaksihan ko. Lalo pa akong kinilabutan nang makarinig na ako ng mahihinang ungol mula sa babae.
“f**k,” narinig kong mabigat na saad ng lalaki. “Moan my name out loud,” paos na sabi pa ng lalaki.
“Ahh! Ethan, ahh!”
Agad kong tinakpan ang magkabilang tainga ko.
“More, f*****g b***h!” magaspang na saad ng lalaki.
“Ahh… ahh Ethan!” kandatili ng babae.
At kahit na anong gawin kong pagtakip sa mga tainga ko ay dinig na dinig ko pa rin ang malalakas na daing at ungol nilang dalawa. At kahit na ayokong mag-isip, ay kusang gumuguhit sa isipan ko ang mga naririnig ko mula sa kanila.
Napayuko na lamang ako habang yakap-yakap ko ang aking mga tuhod. Ilang minuto rin tumagal ang mga ungol at daing nila.
“Isa pa, doon naman tayo sa secret room mo.” Narinig kong sabi ng babae.
“I can f**k you anywhere, huwag lang doon.” Narinig ko namang tugon ng lalaki.
“How about in my place?” mapang-akit na tanong pa ng babae.
Dahil sa mga kalaswaang naririnig ko ay muntikan na akong maduwal. Mabuti na lamang at mabilis ko rin iyong napigilan at natutop ko ang aking bibig. Sandaling katahimikan ang bumalot sa kapaligiran ko. Hindi ko alam kung ano na ang ginagawa ng dalawa dahil nakatalikod pa rin ako sa kanila habang nakaupo rito sa sulok.
“Lumabas ka na. Susunod ako,” tugon ng lalaki.
Nakarinig ako ng pagbukas at pagsara ng pintuan. Sana lang ay umalis na nga silang dalawa dahil hindi ko na kayang tagalan pa ang lugar na ito.
“So, how does it feel to watch me live having s*x?”
Agad na umakyat ang kilabot sa buong katawan ko nang may magaspang na boses ang nagsalita sa tapat ng tainga ko. Marahan akong lumingon dito at nakita ko ang madilim niyang mukha.
Patay!