Warning: SPG! (Sekswal) Sydney Ortiz Umawang ang mga labi ko at hindi ko mahanap ang tamang salita na maaaring sabihin sa kanya. Sa tono ng pagsasalita niya at sa mga tingin niya ay tila galit nga talaga ito sa akin. “Aalis ka ngayon pagkatapos ng ginawa mo?” tanong niya saka niya iniangat ang isang kamay at itinuon sa pader na kinasasandalan ko. Nang hindi ako sumagot sa tanong niya ay tumaas ang isang kilay niya na para bang naghihintay na magsalita ako. Dahil doon ay ibinuka ko ang mga labi ko saka ko pinilit na makapagsalita, kahit na parang natutuyuan ako. “S-Sorry—” Ngunit ganoon na lamang ang pagkagulat ko nang mabilis niyang sinakop ang mga labi ko, dahilan upang hindi ko na maituloy pa ang sinasabi ko at matigilan ako. “No sorry, Sweetie, I’ll punish you,” bulong niya sa aki

