Mabilis na lumipas ang isang linggong bakasyon dito sa resort. Nakakabitin nga lang lalo na't ang ganda at tahimik ng lugar. Sa susunod na linggo ay sabak na ulit sa trabaho. Bukas ay luluwas na kami pabalik sa syudad kaya naman ngayong gabi ay nagliligpit na ako ng mga gamit namin ni Caleb. Nasa walk in closet ako at inaayos ang aming mga damit na ilalagay sa bag nang manuot sa aking ilong ang bango ng kanyang shower gel. Nilingon ko si Caleb na kararating lamang. Katatapos lamang nitong magshower at basa pa ang buhok. Hindi ko maiwasang mapatingin sa tumutulong tubig mula sa kanyang basang buhok patungo sa kanyang dibdib, abs, at sa kanyang vline. Tanging puting towel ang tapis nito sa ibaba. Pagbalik ng aking mga mata para tignan ang kanyang mukha ay nakangisi na ito sa akin. Ngayon

