Lumipas ang mga araw at lalong nanlamig ang pakikitungo sa akin ni Caleb.
Mula nang huli kaming mag usap ay madalas na itong wala sa kanyang bahay. Wala rin itong text o tawag. Malamang ay galit pa rin ito sa akin o baka nga ayaw na nito sa akin.
Noong isang umaga bago ako pumasok sa office ay nakita ko ito na kakagaling sa jogging. Dati ay nakaabang na agad ang ngiti nito ngunit iba ngayon. Umiwas ito ng tingin at dumiretso na papasok sa kanyang gate.
Napabuntong hininga na lang ako habang kumakain kami ni Tessa noong isang gabi.
"Ate? okay ka lang ba?"
"Hmm?"
"Ang lalim kasi ng buntong hininga mo. Hindi pa rin ba kayo nag uusap ni Kuya Caleb?"
"H-hindi pa. Busy sya siguro."
"Ang tagal naman ng LQ nyo Ate!"
Hindi ko na lang pinansin ang huling sinabi ni Tessa. Bagkus ay iniba ko na lamang ang usapan,
"Nga pala, kamusta na yung Turkish drama na pinapanood mo?"
Sumasama lang kasi ang loob ko kapag naalala ko ang hindi naming pagkakaunawaan ni Caleb.
I tried to explain to him but he wouldn't listen. Kung ayaw nya, edi h'wag!
Itinuon ko na lang ang aking pansin sa trabaho. Sa mga araw na nagdaan ay ibinuhos ko ang aking atensyon sa preparasyon ng aming team para sa nalalapit na audit.
Minsan nga ay inaako ko na ang ibang gawain ng aking teammate para doon idivert ang aking isip. At dahil abala kami ng team sa paghahanda, madalas ay gabi na akong umuuwi.
Pagkatapos ng mahabang paghahanda ay dumating na ang audit sa aming kompanya. Ako ang naatasan na magpresent sa mga auditor.
Isang oras ang inabot ng aming review. Sa tulong ng aming team, nasagot namin ang kanilang mga tanong at naipakita ang mga supporting documents. Maayos ang naging resulta dahil wala kaming naging audit findings.
"Good job, Kate. The audit went very smoothly. Good job in leading the team", ani ni Victoria, boss ko
"Thank you, Ma'am. This wouldn't be possible without the help of the team", sabay tingin sa aking mga teammates. Totoo naman na kung hindi sa pagtutulungan naming lahat, hindi magiging successful ang audit.
Nagkayayaan kami ni Megan kaya sa cafe nya ako nagpunta para maglunch.
"Oh, nandito ka na pala. Congrats!" nakwento ko kasi sa kanya ang tungkol sa resulta ng matagal naming pinaghandaang audit.
"Tara, kain na muna tayo," at naghain ito ng favorite kong shrimp alfredo pasta at lemonade.
"Thank you, Bes. Mas masarap ito kasi libre", sagot ko
"Babawi na lang ako next time", sagot nito at sabay din kaming tumawa.
Chicken pesto pasta naman ang sa kanya at iced tea.
Masaya kaming kumakain at nagkukwentuhan nang may pumasok sa cafe.
"Papa Caleb! Tara, kain na muna", ani Megan
Bahagya itong tumawa. Napansin kong dumapo ang tingin nito sa akin ngunit umiwas na ako ng tingin at nagpatuloy sa aking pagkain. Alam ko naman na hindi nya ako papansinin kaya itutuon ko na lang ang aking pansin sa masarap na kinakain.
May inabot ito na mga pinabili ni Megan. Mukhang mga ingredients sa baking.
"Papa Caleb, tara saluhan mo muna kami ni Kate. Tamang tama nandito sya", ani Megan
Minadali ko na ang pagubos sa aking pasta at inumin at agad na pumasok sa kusina para hugasan ang aking kinainan.
"Next time na lang" narinig kong sagot ni Caleb
"Hindi pa rin ba kayo nagkaka usap?" tanong ni Megan. Sumunod na pala ito sa akin sa kusina.
"Wala naman kaming dapat pag usapan", sagot ko
"Hala, LQ pa rin ang lovebirds! The more you hate, the more you love daw", sabay hagikgik nito.
"Siguro gutom ka pa Bes", biro ko.
"Sige na, balik na rin ako sa office. Salamat ulit sa lunch", paalam ko dito at bumalik na sa opisina.
Pagkatapos ng trabaho ay nagyaya ang aming boss para sa isang team celebration. Treat nya daw ito sa amin dahil naging maganda ang resulta ng audit.
Pumunta kami sa isang sikat at mamahaling bar. Masayang masaya ang mga kasama ko lalo na ang mga party people. Sinalubong kami ng malakas na tugtog kaya ang iba ay talagang enjoy at nagpunta na sa dance floor para magsaya. Ang mga iba naman ay abala sa pag enjoy ng kanilang mga inumin.
Nanatili lamang ako sa aking pwesto habang ineenjoy ang inorder kong cocktail at tortillas. Wala akong planong magpakalasing nang sobra dahil kailangan ko pang magdrive pauwi mamaya.
"Kate, how are you? Why don't you join your teammates on the dance floor, have some fun!" ani ni Victoria
"I'm okay, Ma'am. I just wanted to stay here muna", sabay ngiti sa aking boss.
Ang totoo nyan ay wala akong ganang magcelebrate. Masaya ako at nagpapasalamat sa naging accomplishment sa trabaho. Ngunit may puwang pa rin sa puso ko na hindi lubusang masaya dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin kami maayos ni Caleb.
May sinasabi pa sya noon na maghihintay daw sya pero sumuko naman agad dahil sa isang simpleng misunderstanding lang.
Habang ineenjoy ko ang aking pagkain ay lumapit ang waiter sa aking table at nag abot ng inumin.
"Miss, another cocktail for you",
"Huh? Hindi po ako umorder."
Hinanap ko ang aking boss ngunit hindi ko makita. Baka nakauwi na rin ito so malamang hindi ito ang nagbigay ng inumin para sa akin.
"Miss, actually pinapabigay sa 'yo ng lalaki sa kabilang table", sabay turo sa tinutukoy nito.
Ilang table ang pagitan namin at may kasama itong dalawa pang lalaki na mukhang inaasar sya. Nagtatawanan ang mga ito at kinakantsawan ang lalaking tinutukoy ng waiter.
Tumayo ito at nagsimulang maglakad papunta sa akin. Umalis na rin sa aking table ang waiter
Matangkad at matipuno ang katawan ng lalaki. Tipong boy next door.
"Hi. I'm Dave, nice to meet you. And you are?", anito sabay lahad ng kamay
"Kate," sagot ko ngunit hindi pa rin inaabot ang kamay nya
"Bakit mo nga pala ako binigyan ng drinks?" tanong ko
"Uhm, gusto ko kasing makipagkilala." nahihiya nitong sagot at ang kanyang kamay ay dumapo sa batok nito habang nakangiti.
"Kate, can I get your number?"
Heto na naman ang mga pabebeng kukunin ang number tapos iiwan ka rin. Hay. Tatanggi na sana ako nang may sumabat,
"No. You can't" Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang pamilyar na baritonong boses.
Seryoso ang mukha nitong nakatingin sa lalaki at pagkatapos ay kinuha ang aking pulsuhan at hinila palabas. Dali dali ko tuloy kinuha ang aking bag.
Nasa parking na kami nang singhalan ko sya, "Anong problema mo?! Bitiwan mo nga ako!" at sinikap na ialis ang aking pulsuhan mula sa kanyang kamay
Ngunit para lamang akong nakipag usap sa hangin. Hindi ako nito binitawan at nang matanaw na ang kotse ay pinatunog ito.
Sinubukan ko ulit na bumitaw, "Ayokong pumasok dyan. May dala akong sasakyan!"
Wala pa rin itong sagot at ipinasok ako sa sasakyan nito. Pumasok na rin ito sa kabilang pinto ng kotse
Napipikon na ako sa inaasta nito, "Ano ba, Caleb!"
"Ano bang problema mo?! Kasama ko ang mga officemates --"
Ngunit bago pa ako matapos ay siniil na nya ang aking mga labi ng isang mariing halik. Agresibo at nanggigigil ang mga halik nito samantalang para na naman akong tinutupok sa init. He bit my lower lip and I released a soft moan.
Para itong naging gatilyo para mas palalimin nya pa ang mga halik. Tumugon ako at sinunod ang bawat galaw ng kanyang mga labi. Lasang mint ang kanyang bibig na nakakadagdag sarap sa aming ginagawa.
Pinaghiwalay nito ang aming mga labi at nakakunot noo ko syang tinignan
"I'm mad, Kate. I'm so f*****g jealous. You need to calm me down"