DELVARAH
sakay ng kanyang ducati motor ay mabilis na pinaharurot ito ni delvarah,papunta sa warehouse na pagdalhan ng mga armas, nauna na Ang mga kasama nya doon,alas 7 palang ng gabi ay nadoon na ang mga ito nagmanman,pinarada nya sa di kalayuan ang kanyang motor,bumaba sya at isinuot ang ear device,nilagay nya rin ang kanyang mini pistol sa gilid ng boots nya,
nakatago sila sa madamong bahagi nang lugar Kung saan makikita mula doon ang dadaan na mga van na magdadala nang mga iligal na armas,
nang namataan na nila itong paparating ay lumapit pa sila ng kunti,madilim ang lugar kaya walang makakapansin sa kanila,sanay narin naman silang kumilos sa madilim,ika nga pati yon ay sinanay sila,
del" kikilos naba kami,?tanong ni leah
hindi na muna,tingnan muna natin Kung kasama ang Mr Miller na yun,"aniya
nag uusap lang sila sa ear device dahil May kalayuan sila sa isat isa,
nang walang Nathan na nakita ay kailangan nya gumawa nang paraan para makita ito,
chandra" papasok ako sa loob at sa huling van ako sasakay,back up mo ako,"aniya at inumpisahan na ang dahan dahan na pag lakad na nakayuko,
sigurado ka del"mukhang marami ang kalaban,at mga armado lahat,at nakita ko kanina bago pa dumating ang mga van,naka pwesto na ang mga babae na sa tingin ko ay dumaan sa mahirap na pagsasanay at mukhang katumbas natin sila nang galing,"pigil sa Kanya ni chandra,
wag ka mag alala mag iingat ako,"aniya bago mabilis na sumabit sa likod ng sasakyan at gumapang pailalim,
nakita nya maliwanag na ang paligid,hudyat na nasa loob na sya nang warehouse,nang huminto na ang Van na sinasakyan,pinakinggan nya ang paligid May nariring syang nag uusap,nang tumahik na Ang paligid ay bumitaw na sya sa pagkapit at inilatag ang katawan sa simento bago pagapang na lumabas,
"sa loob na ako,"standby muna,"hanapin ko ang mga nakikipag transaction,"aniya na dahan dahan na lumakad papunta sa isang malawak na silid,mukhang doon ang mga ito dahil nakarinig sya ng ingay,nang makalapit na sya ay padapa nya itong sinilip,kita nya Ang pakipag usap nang May edad na lalaki at may mga kasama itong nagagandahang mga babae,kausap nito ang mga mukhang mga Chinese, at marami din itong mga armadong tao,nakita nyang nagkainitan ang grupo,
mataman lang syang nanood nang makitang walang Nathan ay bumalik sya sa mga Van na naglalaman nang mga baril, nilagyan nya ito nang pampasabog,tingnan natin Kung di magkagulo ang organisation,at siguradong lalabas ang Nathan na yon,nakangising nilisan nya ang lugar,paalis na sana sya nang May makakita sa Kanya,pinapaputokan sya nito at nag kakagulo na. nakipag palitan narin sya nang putok,
chandra" kunin mo ang motor ko nakaparada sa malaking puno,sa kanan mo"dalhin mo dito,dahil nakita na ako ng kalaban,"aniya
copy del" sagot nito.nagmamadali na nyang hinanap ang palabas,
Del "were here,lumabas kana kami na bahala sa kalaban,"ani ni Joy at leah, rinig nya na rin ang palitan nang putok nagmamadali na syang lumabas,nakita nya parating na si chandra,bumaba ito at sya naman ang sumakay sa motor,
Joy" Leah umalis na tayo,"aniya bago mabilis pinatakbo ang motor,ganoon din ang tatlo nakasakay din sa Kanya kanyang dalang motor, nakarinig sya nang sunod sunod na pagsabog,napangiti sya,tingnan lang natin Nathan Martin Miller,kung dika lalabas sa pinagtataguan mo,
mauna na kayo sa hideout may pupuntahan lang ako,"aniya sa mga kasama,
NATHAN
napadala muna ba ang bulaklak kay Elaine?""tanong nya sa tauhan nya,
tuwing May show ay nagpapadala sya nang bulaklak sa kapated,
yes boss,"sagot nito at lumapit sa pinaglagyan nang telepono dahil tumunog ito,
boss","telepono turan nito bago inabot ito sa akin,,
yes" Alan? aniya sa kabilang linya,
boss,"may problema,may nakialam sa transaction at pinasabog ang mga kargada,at nagalit si Mr cheng,galit din si mr Rosales sa atin,ani ni alan,
bullshitt"""""
nakilala nyo ang grupo? galit na tanong nya, Million na transaction ang nawala, at ngayon lang ito nangyari,
mukhang mga tauhan ni minerva,sa galaw nang mga ito,mukhang mga bihasa,"ani ni alan.
akala ko dina sila kikilos nang marami sa tauhan nya ang napatay natin nung huling engkwentro natin,?aniya
alan"dalhin mo si mr cheng sa hidden site,susunod ako,ako na makikipag usap,si mr Rosales ay paalisin mo muna jan,sabihin mo ako na bahala,at ang angels 2 isama mo sa site,kailangan natin nang tao,kapag pumalag ang mr cheng nayan dina nya makita ang sikat nang araw,"utos nya dito.
kinuha nya ang kanyang cellphone at nag dial ng numero,
hello boss,"kabilang linya
Black butterfly,"kumikilos ang mga tauhan ni minerva,wag mong hayaan makalapit kay Elaine,"aniya
yes"boss,sagot nito.
may mga tao rin naman syang nagbabantay Kay Elaine mula sa malayo, hanggat nasa paligid lang si minerva ay wala syang tiwala na hindi nito idadamay ang mga taong importante sa Kanya,lalong lalo na kay Elaine,
CHLOE
cheers" ani ni Arlene,nasa isang private room sila nag iinuman,kasama nya si frances Del peiro Ang sikat na modelo,katatapos lang ng Show nito,
how's the show Sissy?rinig nya tanong ni Arlene kay frans,
bored"tipid na sagot nito bago sumimsim ng wine,
kung ganon'" let's enjoy the night,tumatawang turan ni Arlene,
nag inuman na sila hanggang naramdaman nya nang medyo tipsy na sya at sa palagay nya lasing narin si Arlene,dahil lumabas itong pa sigzag na ang lakad,pumunta ito sa mga nagsasayaw na may mga kapareha,natatawa syang tiningnan ito na pinanghihila ang mga lalaki sa gitna at sumayaw ito,
sissy" gulo to,wika ni Frances mula sa likod ko, nakatingin din pala ito kay Arlene,
lumapit na ako nang pinagtulungan na si Arlene nang mga babae,tinulungan ko ito at hinila na pabalik,
shitt"" Arlene gulo ba ang hanap mo,? wika nya,
bangag na ito,dahil hindi man lang sumagot,
hi" guy's what's Up?"""bungad ni philip na bagong dating,
naku ngayon ka lang dumating,"wika ni Frances,
haha nakita ko ang ginawa ni Arlene,"di naman ako pweding mangialam,alangan namang makipagsabutan din ako,?tumatawang turan nito,
Maya maya nagkayayaan na kaming umuwi,mag aalas dos na nang madaling araw,
pagod akong umupo sa sopa, mag isa lang ako sa condo ,inikot ko ang paningin sa paligid,ang tahimik ng paligid,napabuntong hininga ako, hanggang kailan ako ganito?pakiramdam ko walang kabuluhan Ang buhay ko,"aniya saisip.
naalimpungatan si Chloe sa tunong ng kanyang alarm clock,bumangon sya tiningnan nya ang orasan,alas 7 na nang umaga, 9 am ang report nya sa opisina nang inaaplayan nya,bumagon sya at naligo,pagkabihis ay agad na syang lumabas, Hindi na sya kumain nang almusal at baka ma late sya,matrapik pa naman sa umaga,
long time no see Chloe"turan nang lalaki.
ikaw?
to be continued