Chapter 9: Meet again
“ESQUIVIAS Car Rental?” sambit ni Trixie sa pangalan ng kompanya na suggestion ng nakababata niyang kapatid. Dito siya dinala sa lugar na ito para lang bumili ng bagong sasakyan nito.
Well, sa katunayan ay wala naman talaga itong sariling kotse. Hatid-sundo ito ng Daddy nila kahit college student na si Lixia. Dalawa lang silang magkapatid na babae kaya natural na magiging overprotective sa kanila ang Daddy nila. Wala silang kapatid na lalaki na poprotekta sa kanilang magkapatid.
Maliban nga lang sa kanya dahil pinili niya ang maging independent. Naintindihan naman siya ng parents niya na isa pa sinanay na rin siya ng mga ito na mabuhay ng mag-isa. Kaya iyon din ang gagawin niya sa bunso niyang kapatid.
Nag-agree naman na ang Daddy nila na bibilhan niya ito ng kotse at hindi na ihahatid-sundo pa. Marunong naman itong magmaneho at may lisensiya na. Hindi nga lang nabigyan ng pagkakataon na makapag-drive ng mag-isa kahit marami silang sasakyan sa garahe ng bahay nila.
“Isa ito sa malaking kompanya at sikat sa bansa, Ate. Nag-i-import pa po sila sa ibang bansa and may connection din sila na business from Washington,” paliwanag naman ni Lixia kay Trixie. May nalalaman nga ito or sadyang nag-advance research na rin ito dahil pinanghahawakan nito ang promise niya na advance birthday gift.
“Sure ako na mamahalin ang mga kotse rito, Lixia. Hitsura pa nga lang. Kahit gulong nga ay ang kintab na,” sabi niya. Wala naman sa kanya kung expensive masyado ang bibilhin nila basta worth it nga ito at maganda.
Iyong hindi ka magsisisi na naglabas ka ng maraming pera para lang sa Isnag bagay na kagaya nito. Pagdating din naman sa mga bagay ay pihikan din siya, especially car.
“Familiar sa akin ang Esquivias, ah,” mahinang saad niya at nagsalubong pa ang kilay niya dahil parang narinig na niya ang pangalang ito.
Isang malaking kompanya nga ito at salamin ang dingding, na nakikita ang mga bagay sa loob. Sinadya rin naman iyon dahil na rin sa display para makita ng mga taong dumadaan ang mga sasakyan.
May mga kotse pa nga ang naka-park sa labas. Hindi lang siya sigurado kung isa ito sa mga binibenta ng may-ari pero wala ngang duda na mamahalin ang mga ito.
“Tara sa loob, Ate. Tingnan po natin!” saad nito na may excitement pa nga sa boses. Nagpatianod siya sa paghila sa kanya ng kapatid niya. Same feelings din naman sila.
Alam niya ang nararamdaman ni Lixia nang siya naman ang dinala ng Daddy nila sa car rental para bumili ng sasakyan para sa kanya. Kaya naman naiintindihan niya talaga ang excitement nito.
Napataas naman ang kilay ni Trixie nang tuluyan na niyang makita ang maraming sports car. Nandito rin iyong mga Ford Mustang, Porsche 911, Mazda MX-5, Jaguar F-Type at marami pang iba. Toyota GR SUPRA ang pinaka-bet niya sa lahat kasi may pagka-violet ang kulay nito.
“Parang makabibili rin ako ng wala sa oras nito, sis,” naiiling na saad niya.
“I won’t stop you, Ate. Maganda naman kasi lahat, eh. Pipili na po ako, ha?”
“Go ahead,” sabi niya at palakad na siya nang palakad sa loob para tiningnan pa ang sports car habang nakakrus ang dalawang braso niya sa kanyang dibdib. Nang makita niya ang isang sasakyan na alam niyang limited edition at nagmula pa sa ibang bansa ay ganoon na lamang ang tuwa niya. “Ferrari 488 GTB, cutie!”
Napatingin tuloy sa kanya ang mga tao sa loob na iyon at may nagulat pa sa biglaan niyang pagsigaw pero wala na siyang pakialam pa dahil sa saya ng nararamdaman niya. Bibilhin na niya ito kahit gaano pa kamahal!
***
“HUWAG mo nga akong tingnan ng ganyan, bro. Sinabihan na kita kanina na okay lang ako,” sabi ni Wade at pinanlakihan pa niya ng mga mata si Railey dahil ayaw maniwala sa kanya na okay nga lang siya. Na wala lang para sa kanya ang pang-re-reject ni Molly. Kahit first time na nangyari iyon.
Kahit na rin masyado siyang nag-expect para sa gabing nag-propose siya ng kasal dito.
He stood up from his seat at nagtungo sa water spencer para kumuha ng maiinom. Kinuha niya ang disposable cup at nagsalin ng tubig sa baso.
“How’s the girl then?” tanong nito sa kanya. Tumaas pa ang sulok ng mga labi niya. ‘Si Trixie? Hmm...’
“She’s beautiful, indeed. But a little bit maldita. Ngunit sabi rin nila ay bawal husgahan ang isang tao dahil lang sa mga nakita mong panlabas na anyo nito. Sa unang pagkikita namin ay sinungitan na niya ako pero alam ko na busilak pa rin ang puso niya. Ganoon lang siya kung hindi mo pa lubos na kilala. Nararamdaman ko naman na mabait siya,” paliwanag niya sa kaibigan niya, ayon din sa mga naobserbahan niya para sa dalaga. Napatango na lamang ito sa kanya. Mukhang hindi nagdududa pa.
“Then, how about your heart? Okay ba?” interesadong tanong pa nito. “Lumuluha pa naman iyan,” dagdag na sambit nito.
“I’m still confused. Dahil nagawa niyang pabilisin ang t***k ng puso ko pero hindi dapat, Railey. Kahit hiwalay na kami ni Molly ay hindi ko naman puwedeng ibaling ang pagtingin ko sa iba. Ayokong makahanap agad ako ng ibang babae na nagpapatibok na ng puso ko. Hindi ko gusto ang idea na masasayang namin ang maraming taon na pinagsamahan namin, ” nababahalang sabi niya pero inaamin niya na nagawa pa rin niyang hilingin na sana ay makita niya pa ulit ang babae.
“Bro, sa tingin ko senyales na iyan para kalimutan si Molly,” Railey suggested but he shook his head. He doesn’t want that idea, never.
“Hindi puwede, Railey. She’s my first love.”
“And you want her to be your last, then? Pero Wade, habang ikinukuwento mo nga sa akin ang tungkol sa babae na nakilala mo kagabi ay parang...parang hindi ka naman heartbroken sa lagay na ’yan. Ni hindi ko man lang nakita sa mukha mo ang sobrang pagkabigo. Wala akong nababasa kundi ang bagong ikaw.” Napangisi siya sa opinyon nito sa kanya. Bagong siya? Hindi kapanipaniwala ang bagay na iyon.
“Puwede kayang magbago ang isang tao sa loob lang ng isang gabi, bro? Ang nararamdaman natin?” tanong niya at uminom ng tubig.
“Sabi mo ay bumilis ang t***k ng puso mo. So... parang...may something talaga noong nakita mo siya,” anito.
“Hindi ko lang alam kung titibok ulit ang puso ko sa kanya kapag nakita ko ulit siya. Kasi baka lang nabigla din ako kasi sobrang ganda niya rin,” sabi niya. Baka iyon lang ang nangyari. Kasi imposible naman na ma-love at first sight siya.
“What if kung makikita mo ulit siya?” naghahamon na tanong nito sa kanya.
“Doon natin malalaman pareho na kung mauulit ang nangyari kagabi. Kung makikita ko nga ba siya ulit,” mabilis na sagot niya.
“Kung mangyayari nga iyan ay sabihin mo agad sa akin. Sa ngayon ay kalimutan mo muna si Molly, wala ka namang gagawin na ikasasakit ng iba. Hiwalay na kayo, dahil mas pinili niya ang career niya kahit na mahal pa rin ninyo ang isa’t isa ay kapag ganoon pa rin ang nararamdaman mo sa babaeng iyon ay yayain mo siyang makipag-date.” Napaisip naman siya sa naging suggestion nito na yayayain niyang makipag-date si Trixie kapag same feeling pa rin ang mangyayari just like last night.
“Deal,” mabilis na wika niya.
“Okay, deal,” nakangising sabi ni Railey sa kanya. Na parang ito ang mananalo sa deal nila.
“Pero kung hindi? Bibili ka ng dalawang mamahalin na sasakyan ko,” sabi niya na hindi ito nagreklamo na ganoon ang mangyayari rito.
“Walang problema. Pero iyong Ferrari 488 GTB. Limited edition iyan, ’di ba? Puwede ko bang kunin na agad iyon?”
“No! Nag-iisa lang iyan dito, bro. Maghintay ka na lang next month!” sigaw niya dahil isa na iyon sa collection niya at hindi niya ibebenta. Dahil free niya lang din nakuha kasi marami siyang in-order.
“Pareho lang naman ipapadala ang stock mo next month. Sa akin na lang, bro!” sabi nito na ikinailing niya nang ilang beses.
“Hindi puwede, collection ko iyan!” sigaw niya at nakipag-unahan pa siya rito nang lumabas na mula sa opisina niya.
“Kung sino ang unang makasasakay sa kotseng iyon ay sa kanya na!” natatawang sigaw nito at mabilis na tumakbo talaga palabas para lamang hindi niya mahabol.
“Subukan mo lang, Railey! Hindi ka na maaarawan bukas!” babala pa niya at mabilis din ang pagtakbo niya para maunahan niya rin ito.
Pero pagdating nga roon ay nagtaka pa siya nang nanatiling nakahinto na si Railey. Tinapunan niya nang tingin ang Ferrari.
Ganoon na lamang nag-iba ang mode niya nang makita niya ulit ang babae na naging dahilan kung bakit halos hindi siya nakatulog kagabi dahil sa paulit-ulit na paglitaw ng imahe nito sa isip niya.
Unang naramdaman niya ang mabagal na pagtibok ng kanyang puso, akala niya noong una ay dahil lang sa pagtakbo pero ilang segundo lamang ang nakalipas ay hindi na naging normal pa ito.
Ganitong-ganito pa rin siya sa unang pagkikita nila.
“Puwede ko kayang makausap ang may-ari para mabili ko na itong Ferrari?” tanong nito.
Pinasadahan pa niya ito nang tingin. Suot nito ang purple sailor pants and white crop top pero mahaba pa rin naman ang coat nito. Ngayon mas malinaw na napagmasdan ni Wade ang maamong mukha nito. Mas maganda nga pala ito kapag makikita mo sa maliwanag na lugar pero sa nakita naman niya kagabi ay maganda rin naman ito. Kahit basang-basa pa ng ulan.
“Sorry, Miss. Limited edition kasi iyan at not for---”
“No, puwede nating pag-usapan,” sabat niya sa kaibigan niya at marahan pa niya itong tinulak.
Nanlaki naman ang mga mata ng dalaga nang makita siya. “Wade Hansley Esquivias?!” gulat na sambit nito sa pangalan niya.
Naalala pa siya nito. Kung ganoon matalas din naman ang memorya ng babae and besides kagabi lang naman sila nagkita at imposible naman kung agad siya nitong makalilimutan.
“Trixie Vargas Garcia,” he uttered her name.
“Hala, dito pa ulit kita nakita. Kumusta naman ang ibinigay ko sa ’yong pandesal kagabi?” nakangiting tanong nito sa kanya.
“Kinain ko habang nagkakape ako,” nakangiti ring sagot niya kay Trixie.
“Talaga? Ganoon din ang ginawa ko kagabi. Nabusog ako kaya hindi na ako kumain pa ng dinner,” sabi nito.