New Resort Owner

2404 Words
KABANATA 1. "When I die... I don't want to keep you in prison. I want you to be happy," "Please promise me you'll look for a girl that will love you like I do." "Don't worry 'bout me. I'm leaving happily." -Sheena NAPAMULAT si Railey nang maramdaman ang paglapag ng eroplano sa malawak na helipad ng Precious Paradise Resort. Pinunasan niya ang takas na luha para hindi 'yon mapansin ng kaibigang piloto na si Theo. "You really are a stubborn as*hole," anang kaibigan nang makababa sila mula sa eroplano. "I will take that as a compliment. Now, you can leave," sabi niya at iniwan na ito. The moment he step in the villa memories of Sheena started flasing in his mind. Every corner of it screams her name. Lahat ng alaala niya dito kasama si Sheena ay masaya. Inilapag niya ang duffel bag na dala nang makapasok sa sliding door sa gilid ng bahay kung saan tanaw ang dagat. Parang naririnig niya pa ang halakhak na araw-araw ay pumupuno sa buong kabahayan sa tuwing naghahabulan sila ng nobya. Inilibot niya ang tingin sa buong bahay habang naglalakad patungo sa kusina kung saan ang paboritong parte ni Sheena. Mahilig itong magluto at magbake. Wala pa rin nagbabago sa ayos ng mga appliances doon maliban sa kulay ng interior. Naging lively ang itsura no'n dahil sa kulay pink na wall na dati ay brown. Dumiretso si Railey sa ikalawang palapag ng bahay kung saan naroon ang master's bedroom. Mariin siyang napapikit dahil sa sunod-sunod na pagbaha ng alaala nang mapatapat siya sa silid. Hinawakan niya ang seradura at unti-unting pinihit 'yon. Hindi naglikha ng ingay ang pagbubukas niya ng pintuan hanggang sa tumambad sa kanya ang nakatalikod na babae na nagsusuot pa lang ng manipis na puting kamiseta habang naka-pink na undies lang. Hindi maintindihan ni Railey kung bakit pinagpapawisan siya ng malamig at ang tanging nasa isip lang niya ay ang namayapang nobya na siyang nakikita niya sa nakatalikod na babae. Unti-unting humarap ang babae at bago pa niya makita ang mukha nito ay nagdilim na ang paningin niya. Pero bago siya tuluyang mawalan ng malay ay nasambit pa niya ang pangalan ni Sheena. "SHEENA..." 'Yon ang narinig ni Rasha na sinabi ni Railey bago ito mawalan ng malay kanina. Ngayon ay mahimbing na itong natutulog sa kama niya at bumaba na rin ang lagnat nito. Hindi niya alam kung ano ang dahilan ng pagsulpot nito sa resort niya at plano niyang alamin 'yon paggising nito. Hindi niya mapigilan ang sarili na titigan ang binata. Apat na taon na rin mula ng huli niya itong makita baka hindi na siya natatandaan nito. She was a tourist in this resort that time lagi niyang tinatanaw mula sa malayo ang binata. She even memorize what he's doing everyday dahil magkatabi lang ang inookupa nilang cabin noon. Pagkagising nito sa umaga ay nagpu-push up ito habang nakahubad baro kaya naman busog na busog ang mga mata niya sa pandesal. Hindi mapigilan ni Rasha ang mapangiti kapag naaalala ang mga panahon na 'yon. She was eighteen that time and she knew she has a crush on him. Nabalik sa kasalukuyan ang lumilipad niyang isip nang marinig na tumutunog ang telepono. Tumayo siya mula sa pagkakatalungko sa kama at tinungo ang sala para sagutin ang telepono. "Hello, Dana," "Miss Rasha may lalaki po dito na may hinahanap--- eh wala naman po sa guestbook natin... Ayaw po niyang maniwala." Anang staff niya na may bahid ng takot ang boses. "Sige paupoin niyo muna siya. Papunta na 'ko." Hindi kalayuan sa villa niya ang receiving area ng resort kaya ilang minuto lang ay nakarating na siya do'n. Itinuro sa kanya ni Dana ang lalaki na hinahanap si Railey. Nakangiti siyang lumapit dito. "Hi, sir, what can I do for you?" Magalang niyang tanong. Hindi maikakailang gwapo ang lalaki kahit pa nga balot ng beard ang mukha nito. Nakapolo na puti lang ito na nakatupi hanggang siko at nakabukas ang ilang butones sa may bandang dibdib na marami ding balahibo. "Hi. I'm Theodore Torralba. But you can call me Theo. Nice to meet you." Hinubad nito ang sunglass na suot at inilahad ang palad sa kanya. Malugod niya 'yong tinanggap at ipinakilala ang sarili. "Rasha Portman. I'm glad to meet you too. So... ahm, you are looking for Railey?" Napatapik sa noo ang lalaki nang bitawan ang kamay niya. "Muntik ko nang makalimutan ang ugok na 'yon." Halos pabulong na sabi nito na narinig naman niya. Alanganin siyang napangiti. "He passed out in my room earlier and he's sick so I let him rest in my villa." "In your villa?" Clueless na tanong ng lalaki. Tumango lang siya at iginiya ang lalaki patungo sa kinaroroonan ni Railey. "I thought this is Sheena's property." Pagkausap na naman nito sa sarili. "I bought this two years ago. I don't know who's the real owner as I only communicate with an agent." Pag-imporma niya. Tumango-tango lang ang lalaki at sumunod na lang sa kanya hanggang sa silid niya. Naabutan nilang nakaupo na sa gilid ng kama si Railey at sapo nito ang ulo. Hindi niya mapigilan ang sarili na mag-alala kaya agad niya itong nilapitan. "Okay ka lang ba, Railey? Bakit bumangon ka na agad? May kailangan ka ba?" Sunod-sunod niyang tanong at akmang idadampi ang palad niya sa noo nito nang mahina nitong tabigin ang kamay niya. "Sino ka? Paano ka nakapasok dito?" Walang emosyon ang mukha nito nang tumingin sa kanya. "Bakit ka nagpadala ng katulong dito, Theo? Hindi ko kailangan ng kasama." Baling nito sa lalaking nakasandal sa pintuan. Napahiya siya sa sinabi nitong katulong siya at nagkatinginan sila ng lalaki. Pero nagkunwari siyang wala lang. "She's not---" "M-may gusto po ba kayong kainin, Sir?" "Lumayas kayo sa harapan ko..." Mahina pero may diin na sabi nito. "S-sige... k-kung may kailangan ka tawagin mo lang ako." Nakayuko siyang lumabas ng silid at dumiretso sa kusina. Ipagluluto niya na lang ng mainit na sabaw ang binata nang tuluyan na itong gumaling. Habang nagluluto ay hindi niya maiwasang mapaisip kung anong nangyari kay Railey. Sa pagkakatanda niya hindi gano'n ang binata. She remembers a few moments in the past where she speak with him. Approachable ito at gentleman. Isa sa mga dahilan kung bakit siya nagka-crush dito. Salungat sa nakikita niya ngayon. Madilim at malungkot ang aura nito na hindi niya alam kung saan nanggagaling. "Hmm... Ang bango. Pwede makikain?" Ani Theo na hindi niya namalayan ang pagsulpot. "Hindi." "Bakit naman?" Nakasimangot na tanong nito na ikinatawa niya. "Yuck! Ang macho mo tapos ganyan ka umasta," Natatawa pa rin niyang sabi. "Close na ba tayo at feeling at home ka sa bahay ko?" Umayos ng upo ang lalaki sa stool at nagpoker face rin ito. "Uhm... pwede bang dito na lang ako kumain." Nakapoker face na turan nito. Napapailing na lang siya at ipinaghanda ito ng soup. Ipinaghanda niya rin si Railey at inilagay niya 'yon sa tray kasama ang slice ng mangga, isang basong gatas, tubig, at gamot saka 'yon inilapag sa harapan ni Theo. "What the! Ano si Rai, bata?" Palatak nito nang makita ang inihanda niya. "Ikaw na magdala sa kanya niyan. Baka mamaya mapagkamalan na naman niya 'kong kasambahay." Nakanguso niyang saad. "Don't worry sasabihin ko sa kanya na ikaw na ang may-ari ng buong resort na 'to at hindi na ang nobya niya." Aniya at lumabas na ito ng kusina dala ang tray. Huli na nang ma-realize niya ang gusto niyang itanong. May nobya na siya? Sabagay... Hindi na rin bumabata si Railey. She's twenty two now at sa pagkakatanda niya ten years ang gap sa kanya ng binata. Napabuga na lang siya sa hangin at iwinaksi ang binata sa isip. Napagdesisyonan na lang niyang pumunta sa resort para asikasuhin ang mga guest. Naabutan niyang nagbubulungan ang mga staff kasama si Dana. Tumikhim siya para kunin ang atensyon ng mga ito. "M-miss Rasha..." Sabay-sabay na sambit ng mga ito at nahihiyang bumalik sa kani-kaniyang trabaho. Naiwan si Dana na nasa harap ng computer at umiiling habang nakangiti. "Sino 'yong dalawang hunkies sa bahay mo ha?" May halong pambubuska sa tinig ni Dana at sinundot pa siya sa tagiliran dahilan para mapaigtad siya. "Si Railey at Theodore, mga kaibigan ko sila." Patay malisyang saad niya. "Kaibigan ha..." May pagdududa sa tono ng boses nito. "Kailan pa? Sa pagkakatanda ko ayaw mong makipagkaibigan sa mga LALAKI... o makipaglapit man lang." Napailing na lang siya at hindi na umimik pa. Dana knew her story. Her experience in her last relationship. Wala sa sariling napahawak siya sa kanang dibdib kung nasaan ang mahabang pilat na nilikha ng naging babae ni Ian ang dati niyang nobyo. Sa lahat ng pilat na natamo niya ay 'yon ang pinakamalaki at hindi niya makakalimutan. Simula noon ay naging mailap na siya sa mga lalaki na magtatangkang makipagkilala o makipaglapit sa kanya. That's also the reason why she bought this resort. She wanted to be away from everything. And she want to heal her wound as to what the doctor told her. The sea breeze calms her whenever she's having a nightmare. And slowly... just slowly nakakalimutan niya ang mga ginawa sa kanya ni Ian. Ang mga panloloko nito at physical pain na ginawa nito. Pati na rin ang pananakit ng babaeng ipinalit nito sa kanya na umabot sa sukdulang ikamatay niya. Natagpuan ni Rasha ang sarili na naglalakad sa tabing dagat. Hinayaan niya ang alon na basain ang laylayan ng suot niyang floral dress. KALAT NA ang dilim nang mapagdesisyonan ni Rasha na bumalik sa villa. Dumiretso siya sa banyo ng silid niya at mabilis na naligo. Pagkatapos no'n ay lumabas siyang nakatapis lang ng tuwalya. Kumuha siya ng pantulog at undies sa cabinet at wala sa sariling nagbihis. She felt extreme tiredness everytime she remerber her dark past at parati siyang wala sa sarili. Para siyang patay na kumikilos walang buhay. Walang gana. Pabagsak siyang humiga sa kama nang biglang maalala na may kasama siya dito. Nanlalaki ang matang napabangon siya at unti-unting napatingin sa lalaking nakasandal sa headboard at nakatitig sa kawalan. "N-nakita mo l-lahat?" Nahihiyang tanong niya. Hindi ito umimik at tiningnan lang siya saka ito dumausdos pahiga at umilalim sa kumot. "D-dito ka matutulog?" Alam niyang namumula ang mga pisngi niya at naramdaman niya ang pag-iinit no'n. "Pwede bang sa guestroom ka na lang matulog?" Nang walang makuhang sagot ay napabuga na lang sa hangin ang dalaga. She doesn't want to sleep on the sofa or the guestroom either. So does that mean she will sleep with him on the same bed? Sa isiping 'yon ay isang beses pa siyang napabuntong hininga. Bumalik siya sa pagkakahiga at napatitig sa kisame. Hindi niya alam kung gaano katagal siyang nakatitig sa kisame bago nakatulog. "I TOLD you not to go back there. Paano mo makakalimutan si Sheena, kung bumabalik ka pa rin sa mga lugar na nagpapaalala sa'yo sa kanya?" "I don't have plans of forgetting her mom. Now, if you have nothing to say I will put this down," "Railey... hijo, please... You know this isn't what Sheena wants you to do," Hindi siya nagsalita sa tinuran ng ina. "I have to go now, mom." Pagkaraan ng ilang minutong katahimikan ay turan niya at hindi na hinintay ang sagot ng ina. Napasulyap siya sa babaeng mahimbing na natutulog sa kaliwang side ng kama. Dalawang araw na na ganito ang set-up nila. Ang matulog ng magkasama sa iisang silid at dalawang araw na rin na pinipilit nitong kausapin siya. Naiiling na pumasok ng banyo si Railey para maligo. Naaalala niya nang makita ang dalaga na lumabas sa banyo na tanging tuwalya lang ang tumatakip sa katawan at parang wala sa sarili. Nakatalikod itong nagbihis sa harapan niya at nagtaka siya ng makita ang mga pilat sa likod nito. Gusto niyang tanungin kung saan nanggaling 'yon pero wala siyang lakas ng loob. Meron din siyang mga pinagdadaanan para usisain pa ang buhay nito. Pero sa dalawang araw na nakikita niya ang dalaga ay parati siyang namamalikmata at napagkakamalan itong si Sheena. At pakiramdam niya nagkakasala siya sa namayapang nobya sa tuwing gumagaan ang loob niya kapag nakikita si Rasha. Nang lumabas siya ng banyo ay wala na ang dalaga sa kama at maayos na rin 'yon. Naririnig niya rin ang malakas na music na nanggagaling sa kusina. Matapos magbihis ay bumaba siya sa unang palapag at tinungo ang kusina. Dumadagundong ang buong kusina sa lakas ng music na nagmumula sa stereo. Habang ang dalaga ay sumasabay sa kanta at umiindayog ang katawan. Napahilot sa sentido ang binata at may bagay na nabuo sa isip niya. And he has to do it now. Tiim bagang na pinatay niya ang stereo dahilan para tumigil si Rasha at harapin siya. "From now on, I don't want to hear any noise in this house." Lumapit siya dito at kinuha ang hawak nitong sandok. Napatingin siya sa niluluto nitong daing na nasusunog na at lalong nag-init ang ulo niya dahil do'n. "Ayoko na rin na humawak ka ng kahit anong gamit dito. You can leave..." Aniya. "Teka lang, sino ka para paalisin at pagbawalan akong gamitin ang mga kagamitan sa sarili kong pamamahay?" Malumanay na tanong nito. "Bahay mo? Since when? This is my fiancee's house. So leave." Hindi niya napigilan ang pagtaas ng boses. Hindi niya pinansin ang pamumutla ng babae. "I-I bought this two years ago so legally speaking this is mine now. You don't have the right to shout at me..." Napayuko ito at napansin niya ang panginginig ng mga kamay nito na agad nitong itinago sa likod nito. "Hey folks!" Pumailanlang ang malakas na boses ng bagong dating na si Theo. Pero agad din itong natahimik ng mapansin ang pananahimik nila. Bago pa may magsalita ulit sa kanila ay nagmamadali nang umalis ang dalaga at nilampasan sila. "What did you do as*hole?" Tanong nito nang umupo sa harap ng kitchen counter. "I just told her to leave this house and don't mess the things in here." "f**k! Why did you do that? Sinabi ko na sa'yong siya na ang may ari nito ngayon 'di ba? Ikaw ang dapat umalis at hindi siya." "Since when? Kay Sheena, ang resort na 'to at alam kong hindi niya maiisip na ibenta 'to." Hinilot niya ang sentido na parang mabibiyak sa sakit. "Hindi ko alam kung sino ang nagbenta at ano ang dahilan ng pagbebenta nito. Basta ang alam ko below the belt na 'yong ginawa at sinabi mo sa kanya. You know she's kind for letting us stay here in her house... for free." "She even cook for us." "Her cooking skill sucks." He smiled mockingly. "What?! For me it's delicious." Hindi na siya sumagot sa huling sinabi nito at napasulyap sa nilulutong daing ng dalaga. Well, it's not really burned--- it's just smells like. Napansin din niya na halos tapos na pala itong magluto. Garlic rice, bacon, sunny side up egg and coffee are already on the table. "Anyway, I already ask Yandro to have some background check on Rasha Portman." Tumango-tango siya sa sinabi nito at sinabayan itong kumain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD