SEVENTEEN NADATNAN ni Rasha si Dana na kinukusot ang mga mata nito habang nakaupo sa harap ng computer monitor sa loob ng opisina. May ilang araw na kasi nilang binabantayan ang kilos ni Chef Oli, pero hanggang ngayon ay wala naman silang makitang kahina-hinala sa kilos nito. "Hindi mo naman kailangang titigan 'yan maghapon. I'm sure hindi naman siya gagawa ng anomalya sa katirikan ng araw," sabi niya at inilapag ang dalawang mug ng kape sa mesa nila. "Dapat lang ano! Pero hindi naman siya ang tinitingnan ko e," turan naman ni Dana. "Kung gano'n sino?" Kunot-noo siyang lumapit sa tabi nito at yumuko para tingnan ang monitor partikular sa CCTV camera sa labas ng restaurant. Nakita niya si Diana sa CCTV pati na rin si Theodore. Nag-uusap ang dalawa at nagtatawanan. Tiningnan niya ang ka

