FOURTY-THREE MAAGANG nagpunta si Rasha sa resort para makatulong siya sa pag-aasikaso sa mga darating na guest. Malapit na ang peak season kaya malapit na rin dumami ang mga turista na darating para magbakasyon. May isa pang espesyal na okasyon silang paghahandaan at kahit na ilang araw pa 'yon mula ngayon ay excited na siyang paghandaan 'yon. "O, ang aga mo yata? Akala ko hindi ka pa makakapasok dahil sa pasyente mo?" sabi ni Dana nang pumasok siya sa opisina. Simula nang maaksidente si Railey ay hindi na niya naaasikaso ang resort. Pero naiintindihan naman siya ni Dana kaya parang ito na naman ang naging OIC niya sa loob ng mahigit isang linggo. "Kaya na niya ang sarili niya. Tanggal na nga ang cast niya e." Imbes na magpunta sa ospital ay nagpapunta na lang ng doktor ang binata para

