TWENTY-SEVEN NAABUTAN NI Rasha si Dana na nagkakape sa front desk. Humihikab pa ito habang may itina-type sa computer. "Good morning," bati niya at inilapag sa tabi ng mug nito ang dala niyang mug din ng kape. Napasulyap naman ito doon at muling ibinalik ang tingin sa monitor. "Good morning," ganting bati nito. Umupo siya sa high chair at sinimulang higupin ang kape niya. "Bakit nga pala ang aga mong nag-out kahapon?" Naalala niyang itanong. Bigla na lang kasi itong nawala pagkatapos ng lunch kasama ang mga magulang niya "H-Ha? Sumama kasi ang pakiramdam ko kaya nagpahinga na lang ako sa quarters namin," saad nito. Hinarap niya ito at tiningnan ito ng makahulugan. "Talaga ba? Nasa quarters ka lang? MAGHAPON?" Pananalakab niya rito. Napanguso ito at pagkaraan ay ipinadyak ang paa. "O

