Kiss

1625 Words
KABANATA 7. NAKANGITING sinalubong ni Rasha ang bagong dating na customer. Isang babae na balingkinitan ang katawan, tingin niya ay bata ito ng ilang taon sa kanya. Pula ang kulay ng hanggang balikat nitong buhok. Naka-converse shoes, tattered jeans at T-shirt na may mukha ni Avril Lavigne. In short mukha itong rock star dagdagan pa ng makapal nitong eyeliner at itim na lipstick. Inililibot ng babae ang tingin nito sa paligid na waring may hinahanap. "Good morning! Ano pong maipaglilingkod ko sa'yo?" Nakangiting bati niya rito. "Nasaan ang Kuya ko? Pakisabi nandito si Laya," utos nito. Mukhang bratinella ang batang 'to. Naisaloob niya. "I'm sorry. Pwede ko bang malaman ang pangalan ng Kuya mo?" Bago pa man makasagot ang babae ay may nagsalita na sa likuran nila. "What are you doing here, Laya?" Paglingon niya ay nakita niya si Railey na palapit sa kanila. Ang babae naman na tinawag nitong Laya ay biglang napangiti at sinalubong ng yakap ang binata. "I miss you, Kuya!" Hindi nakahuma ang binata at kunot-noo na humiwalay sa kapatid. "Anong ginagawa mo dito? Sinong kasama mo? Kumain ka na ba?" Sunod-sunod na tanong nito. "Mag-isa lang ako. Nagpunta ako dito para bisitahin ka. Bakit kasi hindi ka muna nagpakita sa bahay bago ka dumiretso dito sa cheap na resort na 'to," maarteng turan nito. Tumikhim si Rasha para kunin ang atensyon ni Railey dahil hindi niya ma-take na sabihin ng kapatid nito na cheap ang resort niya. Wari ay noon lang din siya napansin ni Railey. "Laya ito nga pala si Rasha. Siya ang bagong may-ari ng resort," pakilala nito sa kanya. Hindi naitago sa mukha ng kapatid nito ang pagkapahiya nang malaman na nasa tabi lang ang may-ari ng CHEAP na resort na tinutukoy nito. Nakita niya 'yon nang tumaas ang isang sulok ng labi nito. Akala niya ay magso-sorry ito pero nagkamali siya. "Magpapahinga muna ako. Didiretso na 'ko sa Villa, Kuya. Kwentuhan tayo mamaya ha?" Tinalikuran na sila nito. "Hey, 'di ka ba kakain? Tamang-tama nagluto ako," pahabol pa ng binata pero wala na itong nakuhang sagot. Napansin ni Rasha ang hawak nito na picnic basket. Nakangiti itong humarap sa kanya at itinaas ang hawak. "Sabay ulit tayong kumain?" Tanong nito. Oras na ng tanghalian at dapat papunta na siya sa restaurant ng resort kung hindi lang dumating ang kapatid ni Railey. "Sige. Sayang naman 'yang niluto mo," nakangiting turan niya. Gaya noong una sa gitna ng dagat ulit sila nananghalian. Low tide kaya nilakad lang nila hanggang sa makarating sila sa bangkang de motor ni Mang Tony. Matapos nitong i-set up ang maliit na tabla na ginawa nitong mesa at naihain na ang pagkain ay tinulungan siya nitong umupo. Napatingin siya dito nang mapansin ang niluto nitong ulam. Nahihiya itong ngumiti at napakamot sa batok. "Huwag mo kong tingnan ng ganyan. Adobo lang ang alam kong lutuin e," pagdadahilan nito. Mas gwapo itong tingnan kapag ganoong nahihiya. Hindi niya napigilan ang sarili at natawa siya. "Bakit? Paano ba 'ko tumingin? Masarap naman ang adobo a. Numero unong ulam ng mga Pinoy 'yan," kibit-balikat niyang turan at nagsimula ng kumain. "Pag-pasensiyahan mo na nga pala ang inasal ni Laya kanina. Na-spoiled kasi ni Mommy at Daddy 'yon e," sabi nito pagkaraan. "It's alright. Normal lang naman sa mga teenager ang gano'n," balewalang sagot niya. "Ikaw ba may kapatid ka?" Tanong nito. Napansin niya maayos kumain ang binata. Walang kalat na kanin sa paper plate nito kahit ang kamay nito ay walang kanin o sauce na naiiwan kahit na nakakamay kumain. Mukhang mahalaga dito ang table manners kahit na silang dalawa lang naman ang kumakain. "Meron akong dalawang kapatid na lalaki. Ang Kuya Lance ko ang panganay, ako an pangalawa, at si Harvey ang bunso. Kasama sila ng mga magulang ko sa L.A," nakangiting kwento niya. Bigla tuloy niyang na-miss ang mga kapatid niya. NAPANGITI si Railey nang makita ang kislap sa mga mata ni Rasha makaraang banggitin ang mga kapatid nito. Pero nagtataka siya kung bakit hindi nito nabanggit ang anak nito. 'Yon ang sinabi sa kanya ni Yandro nang makausap niya ito kanina.  "Rasha Portman, half Filipino-American. Anak ni Sarah at Steve Portman. She have two siblings, Lance and Harvey. Naka-base na sila sa L.A dahil may dalawang chains ng restaurants ang mga magulang niya doon," pagbibigay impormasyon ni Yandro mula sa kabilang linya. "'Yon lang ang nalaman mo?" Tanong niya. Hindi siya interesado sa mga sinabi nito. Ang gusto niyang malaman ay tungkol mismo kay Rasha. "Nope. Hindi ko pwedeng sabihin sa'yo ang ibang bagay na nalaman ko because it's strictly confidential. Pero may isang bagay na alam kong makakakuha ng atensyon mo," ibinitin nito ang sasabihin. Narinig niya pa ang pagbuntong-hinibnga nito. "—May anak na siya. Batang lalaki, magda-dalawang taong gulang. Nasa pangangalaga 'yon ng mga magulang niya." Hanggang sa matapos ang pag-uusap nila ay nakatulala ang binata. Maraming tanong na nabuo sa isip niya na alam niyang mahihirapan siyang makakuha ng sagot. Unang-una, dahil personal 'yon. Pangalawa ay ang sinabi ni Yandro na confidential. "Kung gano'n, bakit nandito ka? Hindi ba dapat kung nasaan sila naroon ka?" Usisa niya pa. Nagkibit-balikat ito at nagsalin ng tubig sa plastic cup. Pagkatapos ay ininom 'yon. Mukhang umiiwas ito sa tanong niya. Napalunok si Railey nang maalala ang tagpo sa restaurant kung saan ininuman niya ang baso nito. Sakto pa sa kung saan ito uminom. Napansin na niya ang bakas ng lipstick pero huli na para ayusin niya kaya nalasahan niya ang cherry na parang flavor no'n. Alam niya indirect kiss 'yon pero nagpatay-malisya na lang siya. Pero ang mukha ng dalaga. Hindi na 'yon maipinta, para itong hinog na kamatis sa sobrang pula. Hindi niya itatanggi na may kakaiba siyang naramdaman nang matikman ang lipstick kaya nga nagdahilan na lang siya para lang makaalis. Baka hindi siya makapagpigil at halikan niya ito doon mismo sa lugar na 'yon. Hindi niya naiiwas ang tingin at napatitig pa siya sa leeg ng dalaga at kitang-kita niya ang paglunok nito. Bigla siyang nakaramdam ng alinsangan kaya para alisin ang init ay tumayo siya. Hinubad niya ang T-shirt at sumisid sa tubig. Nang umahon siya sa tubig ay hindi na niya nakita ang dalaga. Napakunot ang noo niya at may kabang sumikdo sa dibdib niya. Sumisid siya pabalik sa bangka para tingnan ito. Nang makarating siya ay nakumpirma niyang wala nga ito doon. Tanging ang dress na lang nito ang naroon. "Railey...!" Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses at nakita niya si Rasha na nakaupo sa ibabaw ng isang bato na nakalitaw sa tubig at kumakaway sa kanya. Nakasuot ito ng itim na one piece. "I almost had a heart attack. Akala ko nalunod ka na," sabi niya nang makarating sa kinaroroonan nito. Umupo siya sa tabi nito at hindi naiwasang magdikit ang mga braso nila. Maliit lang ang batong inuupuan nila kaya wala siyang choice. "Heart attack talaga?" Bahagya itong natawa nang sabihin 'yon. Seryoso siyang tumingin sa malayo. "I saw my girlfriend died in front of me and I couldn't afford to see anyone die again because of me..." Naramdaman niya ang pagguhit ng sakit matapos banggitin ang nobya. NABURA ang ngiti sa labi ni Rasha nang marinig ang sinabi ni Railey. Nakita niya ang paglamlam ng mga mata nitong nakatanaw sa malayo. Kung kaya niya lang sanang pagaanin ang pakiramdam nito ay gagawin niya kaso hindi niya kaya 'yon. "I-I didn't know. I'm sorry to hear that..." Halos paanas na sabi niya. Wala siyang nakuhang sagot mula dito at nanatili itong nakatanaw sa malawak na karagatan. Hindi na rin siya umimik at nanatili lang siya sa tabi ng binata. Tanging ingay ng mga alon ang naririnig nila at ang mabining t***k ng puso niya. "Sheena is the owner of this resort. I used to be a tourist here when I saw her. Unang kita ko palang sa kanya alam kong mahal ko na siya," he chuckled. "Ang ironic. Parang love at first sight ang nangyari sa'kin." Napatitig siya rito at may bumangon na paghanga sa puso niya. By the look in his eyes she can tell he's really in love with her. Sa pananaw niya bihira na lang ang gano'ng lalaki sa panahon ngayon. May pagkakapareho pala sila dahil turista lang din siya dati nang una niya itong makita. Ang kaibahan lang hindi niya alam kung na-love at first sight siya dahil nang mga panahon na 'yon ay may nobyo siya. "I courted her for almost a year at nang sagutin niya 'ko saka naman nag-decide ang parents niya na mag-migrate sa ibang bansa," sandali itong huminto sa pagsasalita at huminga ng malalim. Nanatiling nakikinig si Rasha. "Hindi ko alam na may depression pala si Sheena nang mga panahon na 'yon dahil meron na palang problema ang parents niya. She asked me to go with her at dahil mahal ko siya sumama ako dahil gusto kong mabawasan kahit paano ang dinadala niya." Napailing ito at tumingala. Alam niyang pinipigilan nitong umiyak at alam din niyang napakahirap para dito ang maalala ang mga nangyari. "Huli na nang malaman kong hindi pala ako ang kailangan niya para maging okay siya. Sinubukan kong ipaliwanag 'yon sa kanya pero sarado na ang isip niya. Nagtalo kami habang nagmamaneho siya at...n-naaksidente kami." Halos paanas na nang sabihin nito ang huling dalawang salita at hindi nakaligtas sa paningin ng dalaga ang mga luhang pumatak mula sa mata nito. Ngayon lang niya nakita ang weakest side nito. Hindi niya maintindihan pero natutuwa siya na sa kanya nito ipinakita 'yon. Parang may sariling buhay ang mga kamay ni Rasha at pinunasan niya ang mga luha sa pisngi ni Railey. Ikinulong niya ang mukha nito sa mga palad niya at sa isang iglap. Hinalikan niya ito... A warm and gentle kiss. She wants to tell him she's there and she won't leave his side no matter what happens. He stiffened and his eyes are wide open. Nang humiwalay ay niyakap niya ang binata at napangiti siya sa kawalan. "Tumataas na ang tubig. Bumalik na tayo," sabi niya nang humiwalay dito at nauna na siyang sumisid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD