Wala siyang pakialam kung magalit ito at palayasin siya, dahil hindi naman tama ang ginawa nito, hindi porque nakikitira siya dito ay basta na lang itong papasok sa kanyang silid, paano na lang kung nakahubad na siya at nagbibihis? Edi nabosohan na naman siya. ‘Ang arte mo! E lahat naman ng meron ka, ay nakita na niya.’ ani ng kabilang bahagi ng isip niya. ‘Kahit na, hindi pa rin tama ang ginawa niya.’ ani niya sa kanyang isipan. “The size is not bad, just right for my hands.” sa halip na sagutin siya ay wika nito. Naiinis na binalik niya ang kanyang paningin sa lalaki upang tingnan kung ano ang tinutukoy nito. Akala niya ay iniimagine nito sa isipan ang kanyang katawan kaya magsasalita na sana siya ng makita niya kung ano ang hawak nito, pakiramdam niya ay nanliit siya sa kahihiyan n

