Nagkahiwalay lang sila ng manirahan ito sa America at doon nag-aral ng kolehiyo. Ilang araw bago sumapit ang naturang party ay nagpaalam siya sa kanyang ama, na dadalo roon. Subalit kung kailan nakabihis na siya ay saka naman nito sinabi na may mahalaga silang pupuntahan bagay na sobrang nakasakit sa kanyang kalooban.
"Where are you going, hija?" Tanong nito sa kanya ng makita siyang pababa ng hagdan. Suot ang kanyang napaka ganda at expensive na dress.
"Ah, nakalimutan niyo po ba dad? Nagpaalam po ako sayo last week na pupunta po ako sa birthday ni Jake." Aniya sa ama.
"Hmmp, pasensya ka na anak. Pero gusto sana ng kapatid mo na mag dinner tayo ngayon sa labas. Bonding na din ng pamilya." Anito sa kanya.
Gusto niyang mainis pero ayaw niyang ipakita sa kanyang ama. Ayaw niyang makahanap ng butas ang kanyang madrasta at step-sister para tuluyan siyang masira sa paningin ng kanyang ama. Nang ilibot niya ang kanyang paningin sa kabuuan ng living room, saka lang niya napansin ang dalawang tao na hindi niya nais makita. Naka dekwatro na nakaupo ang mag-ina habang may nakakainis na ngisi sa mga labi si Andrea, at ang kanyang step-mom naman na si Cassandra ay seryoso ang mukha.
"Pero Dad, nangako na ako kay tita Marie na darating ako. Besides, birthday po yon ni Jake isa sa mga inaanak niyo."
Pagpipilit niya, sa kanyang isip ay tuluyan na ngang nagbago ang kanyang ama.
"Anak, bigyan mo naman ng importansya ang pamilya natin. Minsan lang humiling ang kinakapatid mo. Pagbigyan mo na." Anito pa sa kanya.
"Oo nga naman Maricon, minsan lang ako mag-aya and for sure hindi ako matatanggihan ni daddy ninong." Nakangising wika nito sa kanya. Habang nagsusumamong tingin ang binigay nito sa kanyang ama. Dahilan para haplusin ng kanyang ama ang buhok nito.
Alam niya kung bakit out of nowhere ay nag-aya itong lumabas. Gusto nitong sirain ang mood niya. Hindi lingid sa babae na crush niya si Jake, dahil minsan na niyang na kwento dito ang tungkol doon noong close pa silang dalawa.
"Hija,?" Untag sa kanya ng kanyang ama.
"Okay, okay dad." Sumusukong wika niya. No choice naman siya, kundi ang pumayag dahil alam niyang ang mag-inang sampid ang papaboran nito.
Masaya namang pumalakpak si Andrea, na animo ay tuwang tuwa sa kanyang naging pasya. Habang ang kanyang ama naman ay nasisiyahan na nakatitig sa dalaga.
Tapos na silang kumain sa isang mamahaling restaurant. Kasalukuyan na nagkukwentuhan na lang ang dalawang matanda. Habang siya naman ay nag pipindot sa kanyang cellphone. Natigilan siya ng dumaan sa kanilang table ang isang pamilyar na babae. Kaibigan ito ni Andrea. Hindi nkaligtas sa kanyang mga mata ang simpleng pag kalabit dito ng babae. Hanggang sa nag paalam ito na mag re-rest room muna.
Ilang minuto ay bumalik ito. Upang magpaalam na may pupuntahan lang daw saglit.
"Hon, ang tagal naman ni Andrea."ani ng kanyang ama.
"Oo nga hon, hmm' mauna na kaya tayong umuwi. Pauwi na rin siguro yon." Ani naman ng kanyang madrasta.
"Mabuti pa nga. Baka inaantok na ang prinsesa ko." Malambing na wika ng kanyang ama. Saka siya inakbayan. Nahuli naman niya ang ginawang pag-irap sa kanya ng matandang babae.
Kinabukasan, pag gising niya agad siyang sinalubong ni Andrea ng matamis na ngiti.
"Grabi ang saya ng party ni Jake. At ang gwapo na niya lalo ngayon. Mukhang nahiyang siya sa ibang bansa." Masayang turan nito.
Agad nag ngitngit ang kanyang kalooban. Pinili niya ang huwag ng sumagot. Sinasabi na nga ba niya. May plano ito kagabi. Noon pa man ay may crush na rin ito sa lalaki.
"Kumusta ang party hija?" Tanong ng ina nito ng umupo na sila sa harap ng dining table.
"Party? Sinong nag punta sa party?" Nalilitong tanong ng kanyang ama.
"Ah, daddy. Ako po. Nakita ko po kasi yung kaibigan ko sa restaurant kagabi, at inaya po niya ako na pumunta sa party. Hindi ko naman po alam na sa party po ni Jake kami pupunta." Nakayuko ang ulong paliwanag nito.
"Next time hija, kapag nag request ka ng family bonding. Make sure na wala kang ibang gustong puntahan. Para hindi mo kami iniiwan na lang basta sa restaurant. Kabastusan ang ginawa mo." Ani ng kanyang ama. Halata ang pagka disgusto sa ginawa ni Andrea.
"Pasensya na po." Kunwa'y malungkot na wika nito.
"Oo nga naman anak. Hindi pumunta sa party si Maricon. Para pagbigyan ang gusto mo. Pero ikaw naman itong basta na lang umalis." Pekeng kastigo ni Cassandra sa kanyang anak.
Bagay na hindi naman buminta sa kanya. Dahil alam niyang magkasabwat ang mga ito.
At ilan lamang ito sa mga gawain nito. Palagi nitong hinaharang ang mga bagay na gusto niyang gawin. Madalas din nitong agawin ang atensyon ng kayang ama sa kanya.
End of flashback.
Lumipas ang ilang minuto at saka pa lang niya napagpasiyahan ang tumayo at nagtungo sa bathroom na nasa loob din ng kanyang silid. Agad niyang binuhay ang tubig at sinet iyon sa warm temperature dahil malamig ang klima sa lugar.
Matapos magbihis at suklayin ang kanyang mahabang buhok, lumabas siya sa kanyang silid.
May mangilan ngilan na babae at lalaki na nakatambay sa harap ng kanyang apartment, marahil ay mga tenant din ang mga ito.
"Wow' chicks." Ani ng isang tinig ng lalaki, sabay sipol.
"Naks, bagong tenant yata pare." Ani naman ng isa.
"Hindi naman maganda." Wika ng isa sa mga babae. Dahilan para automatic na tumaas ang kanyang kilay. Nang lingunin niya ang grupo nahuli pa niya ang isang babae na may blondeng buhok na masama ang tingin sa kanya. Agad naman itong siniko ng babaeng kasama nito.
Matapos ang ginawa niyang pagtaas ng kilay sa grupo ay nanahimik na rin ang mga ito. Dumeretso na siya sa karenderya ni Manang Loleng ito rin ang may ari ng apartment.
Matapos niyang kumain ng agahan, nag take-out na din siya ng pagkain para sa kanyang tanghalian. Wala siyang balak mag libot ngayong araw. Gusto niyang magkulong sa kanyang silid. Upang makapag pahinga.