"Lalaki kami! Hindi ko alam kung manhid ka o ignorante." Wika nito, habang namumula ang mukha. Marahil dahil sa dami ng nainom nito. At mas dumoble pa ang pamumula niyon ng mag-landing ang kanyang kanang kamay sa kaliwang pisngi nito.
"Excuse me, Mr. Who you are! Hindi ako nagpapansin sa inyo, lalo na sayo! Siguro manyak ka lang talaga." Naiinis na wika niya. Ang kanyang kana na mararamdaman ay napalitan ng kaba ng napansin niyang papalapit ito ng papalapit sa kanya. Natuod siya bigla at hindi alam kung ano ang gagawin. Nang lumingon siya sa mga kasama nito ay nagkakasiyahan pa rin ang mga ito. At hindi napapansin ang mga nangyayari sa paligid. Alam niyang hahalikan siya ng lalaki. Mabuti na lang at bago pa man tuluyang lumapat ang mukha nito sa kanyang mukha ay animo'y may sariling isip ang kanyang katawan at kumaripas ng takbo palayo sa lalaki. Muntik pa siyang mapatid sa isang sanga ng kahoy. Walang lingon-likod na pumasok siya sa kanyang tent. Malakas ang t***k ng kanyang puso. Sa tanang buhay niya ay hindi pa siya nahalikan ng isang lalaki. Mabuti na lang at gumana bigla ang kanyang utak. Maging ang kanyang katawan ay kusa ng gumalaw kung kaya't nakaalis siya sa kanyang pwesto kanina. Matapos niyang magbihis ay sinuklay naman niya ang kanyang buhok. Saka nahiga sa kanyang foam, at pumikit.
**Ged**
Hindi niya mapigilang tumawa, sa hitsura ng mukha ng babae kanina. Con? Tama Con, ang pangalan nito. Ayon sa naririnig niyang tawag dito ng mga kasama nila. Masyado itong advance mag-isip. Akala yata nito kaya siya lumalapit ay upang halikan ito, dahil sa ginawa nitong pagsampal sa kanya. Bagay na gusto naman sana niyang gawin, pero hindi sa lugar na iyon. Pero kanina kaya siya lumalapit dito ay dahil kukunin niya ang gulok na kukunin sana ni Dennis. Nagkataon naman na ang gulok na kukunin niya ay nasa likuran ng babae. Maganda ito at sexy. Pero naiinis siya sa tuwing nahuhuli niya ang kanyang mga kasama na nakatitig dito habang nakatalikod ang babae. Kaya siya na ang nag-presintang kumuha ng gulok na nasa lugar kung saan naroroon ang babae. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit, nais niya itong ipagdamot sa iba. May kakaiba siyang nararamdaman para dito. Bagay na hindi pa niya mapa ngalanan sa ngayon.
Madilim na ng magising ang dalaga. Madilim sa loob ng kanyang tent. Maging sa paligid. Pero maliwanag ang kalangitan at ilang bahagi ng bundok. Dahil sa mga bituin at buwan na natatakpan pa ng ulap. Sa dami ng nakain niya kaninang tanghali kung kaya't hindi pa siya nakakaramdam ng gutom. Gusto niyang pagmasdan ang maliwanag na kalangitan sa labas ng kanyang tent. Kung kaya't kinuha niya ang kanyang emergency flashlight at ilang kutkutin. Saka lumakad palabas sa kanyang tent.
Gamit ang kanyang flashlight naghahanap siya ng pwede niyang tambayan. Hanggang sa sapitin niya ang isang puno na may nakausling sanga na pwede niyang upuan. In-inspeksyon niya ang paligid at ng masiguro na safe doon, pinatay na niya ang kanyang flashlight. Saka ninanamnam ang malamig na simoy ng panggabing hangin. Ilang sandali siyang nakaupo. Hanggang mangalay ang kanyang likod. Kaya sumandal siya sa katawan ng puno at tahimik na pinagmasdan ang kalangitan. Kung anuman ang kanyang nasa isip ng mga oras na iyon. Siya lang ang nakakaalam.
Sa loob ng isang taon, simula ng bumalik sa buhay nila ang mag ina. Napakarami na ng nagbago sa kanyang buhay. Hanggang sa hindi niya namalayan na nag uumpisa ng tumulo ang luha sa kanyang mga mata.
"Ehem! Pwede bang maki-upo?" Anang baritono na tinig mula sa kanyang likuran.
Pinahid niya ang kanyang mga luha. Saka binuksan ang kanyang flashlight. At itinutok iyon sa pinanggalingan ng boses na kanyang narinig.
"Hey! Ano ba! Turn it off." Nanggagalaiti na sigaw nito. Napatda naman siya ng mapag sino ang lalaking tinatamaan ng liwanag ng kanyang flashlight sa mukha.
Natauhan lang siya ng maramdaman ang mahigpit na hawak nito sa kanyang pala-pulsuhan.
"I said turn it off. Ang sakit sa mata. Bingi ka ba huh?" Nanggigil na sigaw nito sa kanya. Saka kinuha ang flashlight sa kanyang kamay.
"Bakit ka ba kasi nanggugulat? Saka anong ginagawa mo dito, sinusundan mo ba ako?" Naiinis na sigaw din niya sa lalaki. Nang makabawi siya mula sa kanyang pagkatulala.
"Excuse me, miss who you are. Una, hindi kita ginulat. Hindi ko kasalanan kung mahilig ka sa kape kaya ka naging magugulatin. Pangalawa, hindi kita sinusundan. Nagkataon lang na mahilig akong magmasid sa magandang kalangitan. At napansin ko na dito ang may pinakamagandang spot. Ano okay na ba?" Nakangising tanong nito sa kanya.
"Hmmmp! Ewan ko sayo." Walang gana na wika niya.
"Pa share ng upuan huh! Hindi naman ako nangangagat." Anito sa kanya. Tumahimik na lang siya. Sa halip na sumagot pa. Umusog siya ng konti upang magkaroon sila ng espasyo sa pagitan nila dahil masyado itong nakadikit sa kanya. May kung anong init siyang naramdaman sa kanyang katawan sa saglit na pagkakadikit ng kanilang mga balat.
"Ang sarap pagmasdan ng mga bituin no? Parang ang sarap maging bituin nalang. Makulay at magandang tingnan. Higit sa lahat tinitingala ng lahat." Makahulugang wika ng lalaki.
Dahil sa tinuran nito, hindi niya na iwasan ang pag-igkas ng kanyang kilay, katulad ba niya ay may pinagdadaanan din ito.?
"Ikaw? Bakit nandito ka sa Baguio?" Baling nito sa kanya. Nang mapansin ang pagiging tahimik niya.
"Napadpad lang ako dito. Naghahanap ako ng trabaho. " Pagsisinungaling niya. Kilalang businessman ang kanyang ama. At marahil marami din ang nakakakilala sa kanya. Iyon' din ang dahilan kung bakit, pinili niyang sa liblib na lugar manirahan.
Hindi nakaligtas sa kanya. Ang pag itim ng tingin nito sa kanya.
Kinabukasan nagising siya, dahil sa init ng sikat ng araw na tumatama sa kanyang mukha.
Nang bumangon siya. Saka lang niya napansin na tanghali na at tirik na ang sikat ng araw.
Madaling araw na ng nakatulog siya. Nag bonfire sila ni Ged kagabi. Masasabi niyang mabait naman ang binata at masarap itong kasama. Napasarap daw ang inuman ng mga ito kagabi.