When you keep your emotions hidden for many years and it exploded unexpectedly, you don't know how to handle it. You will start to sink to it with no one to help you. "I AM Hel." Matagal ang katahimikang bumalot sa buong klase. Sa hindi malamang dahilan ay hindi rin nakapagsalita ang iba ko pang kasama dito sa silid. Magkatitigan lamang kami ng aking ama. Mata sa mata. Halos hindi na nga kami kumurap na dalawa. Hindi pa rin ako makapaniwala na nakakaya ko siyang titigan ng ganito katatag. "I-Ikaw si Hel?" Napakunot ang noo ko sa itinanong niya. Huwag mong sabihin sakin na binabalak niyang ibulgar ang totoong pagkatao ko sa harap ng mga taong ito? Binabalak niya ba akong ipahiya sa mga kaklase ko? Gusto niyang ipaalam sa kanila kung anong ginawa niya sa akin noon? "Ako nga." Matipid ko

