Chapter 21:Heather and Heaven Monday na at pasukan na ulit. Habang naglalakad ako papasok ng room ay nahagip ng mata ko si Keith. Umupo ako sa tabi n'ya at kasalukuyan niyang kausap si Anne. "Hey," Tawag ko sa kanila. Napatingin naman sila sa akin. "O? Kumusta?" si Keith. "I'm fine naman. Bakit ka nga pala nandito?" Tanong ko. "Hindi mo ba alam? Classmates tayo! Yiii! Nagrequest kasi ako, e. You know, para Teacher ko din si Sir!" Kinikilig na sagot ni Keith. Pabiro akong umirap. "Ah." "Ayan na si Sir! Yiii!" Si Anne kaya napatingin ako sa pinto. Nandyan na nga siya. He's holding a white folder. "I heard na may nag-transfer daw dito, ah?" Tanong ni Sir nang makapunta s'ya sa unahan. "Yes, Sir!" Sagot nila. "Introduce yourselves." Ngumiti si Sir kaya naman napaiwas ako ng tingi

