Chapter 26:Catch Lumipas ang ilang araw at nakalabas na si Sir ng ospital. Kasalukuyan akong inaayusan ng make up artist na ini hire ni Mommy. Acquaintance na eh. Black halter dress ang isusuot ko, under the knee ang haba at may slit pa ito sa gilid. Black stilettos din ang para sa aking paa. Balak pa ngang i-pink ni Mommy yung isusuot ko kaso nagpumilit ako na mag-black. "Ilang taon ka na ba, be?" Biglang tanong ni Ate Bea. Bakla s'ya pero mas gusto n'yang Ate ang itawag sa kanya. Bernardo ang pangalan niya ngunit Bea nalang daw ang itawag sa kaniya dahil mas sanay na siyang tawagin gan'on. "21 po," sagot ko. "Mmm." Nang matapos sa mukha ay nagbihis na ako ng isusuot ko. Halos matapilok pa nga ako sa may hagdan, buti nalang at nahawakan ako ni Ate Bea. Ang taas kasi nung biniling he

