ZICH/RIA PoV
"Ok Good. Let's start. "frietrien
Pagkasabi nya yon ay bigla silang nawala ngunit naiwan si Goddess Werios.
"So ngayon ay tuturuan kita kung papaano kontrolin ang water element. "pagsisimula nya at nakinig naman ako.
"Una ay pumikit ka't magconcentrate. "sabi niya at sinunod ko naman.
Nang may maramdaman akong isang enerhiya na gustong lumabas.
Nang may maramdaman akong parang may dumadaloy na tubig sa mga kamay ko kaya napadilat ako. Nagulat ako ng may tubig sa kamay kung parang fountain.
Pero bigla itong nawala kaya nalungkot ako.
"Focus. Focus ang kailangan dyan Zich. You need to be focus. "sabi niya kaya inulit ko ulit. Pumikit ako't nagconcentrate.
May naramdaman na naman akong tubig sa kamay ko.Dumilat ako at tiningnan ang tubig.
"Magaling. Ngayon pagdikitin mo ang iyong mga palad at gumawa ng isang bola."sabi niya at ginawa ko naman.
Ang galing naging bola nga!.Pero nagulat ako ng palaki ito ng palaki.
Napatingin agad ako kay Werios at pati siya ay nagulat.
"Ibato muna! "sabi niya at binato ko naman sabay non ay hinila niya ako at napunta kami sa malayo.
*BOOOM! *Sumabog ang ginawa kung bola kaya parang naulanan ang kagubatan.
"Ulitin mo. "Utos nya sakin.
"Sige"sabi ko at ginawa ulit.
At natuwa ako ng makontrol kuna ito.
Nagpatuloy lang ako sa pagkontrol at tinuruan din nya ako kung paano palabasin ang sandata ko bilang isang water element.
Tuwang tuwa ako dahil lahat ng pwedeng matutunan sa water ay natutunan kuna.
"Magaling. Madali ka naman palang turuan eh. Halika na at tuturuan kapa ni Zeus bukas"sabi niya at hinawakan ang kamay ko tsaka nagteleport.
Napunta kami sa isang silid at iniwan ako doon. Sabi niya ay ito daw muna ang magiging kwarto ko.
Naligo na ako at nagbihis.hays..nakakapagod ngayong araw. Hanggang sa bumibigat na ang talukap ng mga mata ko Zzzzzzz...
----------------------------------------
*4 days later*
Hayss... Buti naman at tapos na yung malabuwis buhay kung pagtretraining. Hayss isang buwan pala akong nawala sa encantasia. Kasi isang araw sa encantadia ay 1 week dito.
Di pala nila alam na nandito na ko.
Lumabas nalang ako dahil 5:30 am palang naman mamaya pa ang klase.
Pagbaba ko mukhang tulog pa yung dalawa. Kaya nagluto muna ako ng menudo para breakfast.
Lalalalala hahaha feel na feel ko pa ang pagluluto
--------------
Ayan tapos na 6:45 na pala. Naghanda na ako ng pagkain at tsaka tinawag sila.
Umakyat na ako at kinatok ang pintuan ni ril pero walang sumasagot.
Kaya napagdesisyunan kung pumasok. Tutal hindi naman nakalock. Tung babaeng tu talaga. Hindi marunong maglock tsk tsk.
Pagpasok ko aba tulog pa ang gaga.Humihilik pa shet!
Yinugyug ko siya pero ayun tulog parin kaya sinampal ko haha. Ayan nagising na haha
"Aray! Tang*na naman oh ba't ka ba nananampal Ri-----O_O OMAYGAAAAADDDD RIAAAA YOUR BACK! HUHUHU. ..NAG-ALALA KAMI SAYO HUHUHU SAN KA BA NAGPUPUPUNTA! HA?! "nagulat naman aki dito sa babaeng to sa bigla niyang pagsigaw tsk tsk
"RIL?! ANONG NAGYAR---O_O OMAYGASH!!!! RIAAAAAA"yinakap nya ako ng mahigpit kaya dina ko makahinga.
"Ri-rie.. I ca-can't bre-breathe.. "nahihirapan kung sabi. Kung makayakap naman kasi to para akong sasakalin.
"Waahhhh ikaw kasing babae ka! Napaka argh! Bakit ka ba kasi hindi nagpapaalam ha?! Halos atakihin na ako sayo dahil isang buwan ka ng wala! Akala namin patay ka na! Or kinuha kana ng dark lite! "sermon sakin ni ril.
"Ok I'm sorry. Ok?. Ganito kasi yun. Dumalaw lang ako kina tita.Hindi na ako nagpaalam pa kasi sandali lang naman ako don eh. "pageexplain ko.
"Sandali?! Eh isang buwan kang wala! "aba matinde. Mukhang hindi umubra yung palusot ko ah.
"Eh sa tinamad akong umuwi pabalik dito eh"sabi ko nalang
"Tara na. Malalate na tayo! "sabi ko at nauna ng bumaba.
Sumunod naman sila
"Alam mo ba ria?. Si Hero halos dina natutulog dahil sa kakahanap sayo. Gusto na nga niyang sumugod sa dark lite dahil ang alam nya kinuha ka nila. Minsan nga lahat ng nakikita nya sinusunog niya. Grabe! Kaya kapag nakita ka nya maghanda ka haha.. Matindi kasi mag-alala yun"nagulat ako sa sinabi ni rie.
Si Greek? Nag-aalala? Sakin?
"Uyyy hahaha nagbablush! Yieee kilig sya oh"tingnan mo to. Matapos akong takutin inaasar naman ako-_-.
"Tsk"kaingay ng dalawang magkapatid na to.
"Yieee... Aminin mo na kasi! May crush ka kay Hero no? "sabi ni ril at may taas baba ng kilay pang alam tss.
"Shut up. "kumain nalang ako at hindi na pinansin ang dalawa.
Kanina pa kasi ako naiilang.
---------------
Palabas na kami ng dorm. Nang makasalubong namin ang boys which is sina Greek nagulat nga sila kasi nandito n ako.
Pero itong isang to seryosong nakatingin. Parang mangangain ng buhay dahil sa sama ng tingin. Kaya nginitian ko nalang ng pagkatamis tamis.
Ayun nag-iwas ng tingin
"Oy oy oy! Hahaha ano yan? Ba't ka nagblablush pareng hero?! Hahaha"pagkasabi ni Vier at napatingin ako kay greek. Nagblablush nga sya.
"Tsk"sungit talaga neto. Nauna na syang naglakad bale parang sya ang leader namin.
Hay naku etong mga kaibigan ko di nauubusan ng laway sa kakadaldal!.
*BOOM! *nagulat kami ng may marinig kaming pagsabog galing sa likod nf school.
"Tara! Bilis! "sabi ni Greek at nagteleport na ganun din ang iba.
Kaya nagteleport narin ako.
Pagkarating ko dun ay nadatnan kung marami na ang estyudanteng baguhan na duguan dahil sa pakikipaglaban sa mga dark lite.! Tang*na!ba't nakapasok tung mga to?!
"Pano sila nakapasok?! "nagtatakang tanong ni Rev.
"Mamaya na yan! Labanan muna natin sila! "sabi ni greek at lumusob na.
Gumawa ako ng invisible barrier para sa mga ibang estyudante na pwedeng madamay.
Palihim ko ring isinara ang portal para dina makalabas ang mga taga dark lite!.Tang*na!Malakas ang kutob kung may traydor!
Gumawa ako ng fire sword tsaka dali daling isinaksak sa papalapit na dark lite. Pinaligiran ko ng apoy ang lahat ng dark lite at linagyan ng invisible barrier ang mga royale knights dahil ako ang lalaban.
"Tang*na!Ria!Tanggalin mo to!argh!!f*ck!"nahihirapang sabi ni rev. Nilagyan ko kasi sila ng tali para di sila makalabas. Nginitian ko lang sila at tinuon ang attention sa mga to.
"Bakit ba bigla bigla kayong sumusugod ha?! Tss"sabi ko pero wala ni isang sumagot aba matinde.
Gumawa ako ng fire ball at pinatama sa kanila. Palihim akong gumawa ng invisible vines para hindi na makagalaw ang mga dark lite.
Nagtaka naman sila ng hindi sila makagalaw. Haha buti nga sa inyo
Naglabas muli ako ng panibagong fire ball pero malaki na ito at nilagyan ng spell.
"Di motiro la eska!"banggit ko at pagkatapos ay pinatama sa kanila.
Good thing gumana. Pagkasi natamaan ka non ay diretso burol ang bagsak mo.
"RIA! ILAG! "bigla akong natauhan ng marinig ko ang boses ni Ril at napatingin sa susugod na dark lite.
Ngumiti ako ng nakakaloko at hinintay sila.
THIRD PERSON POV
nagtaka ang lahat dahil hindi manlang umalis sa kinatatayuan ang dalaga kahit na marami ang sumugod dito.
Nang makalapit ang mga dark lite sa dalaga ay ngumiti ng malademonyo ang dalaga. Nagulat ang lahat at natakot rin sa inasta ng dalaga.
Itinaas nya ang kanyang kamay at nagbigkas ng spell
"De larosa eksi! "banggit nya at biglang may nabuong napakalaking fire ball na may kasamang kidlat. At pinatama sa mga dark lite.
Gulat at takot ang mga reaksyon ng estyudante pati narin ang mga royale knights at ang mga professors and hm.
"Argh! HAYOP KA! MAGBABAYAD KA! "galit na galit ang isang dark lite dahil sa pagkasawi ng iba nyang kasamahan.
Ngumiti lamang ang dalaga na siyang ikinatakot ng binatang kaharap nya.
Pero hindi nya ininda ang takot bagama't naging isa syang higante na malalaki ang ngipin at may hawak na isang latigo.
Na handang kainin ang dalaga. Nagulat ang dalaga dahil sa nasaksihan ngunit mabilis din itong nabago at ngumit ng nakakaloko.
"ano bang iniisip nya? "vier
"Nababaliw na ba sya? "rev
"Ria! No! "ril
"Sana maging ligtas ka! "rie.
Yan ang mga nasa isipan ng kanyang mga kaibigan.
Nababasa ito ng dalaga ngunit hindi parin sya tumitigil.
Nang aapakan sana sya nang higante ay mabilis syang nakaiwas. Nagsummon sya ng Fire sword at linabanan ang higante.
Patuloy parin silang naglalaban ngunit tila hinang hina na ang dalaga.
RIA POV
tang*nang higante to! Di marunong sumuko tss.
Gumawa ako ng fire kunai at shuriken.Pinatama ko ito sa may bandang kaliwa ng kamay dahil pansin ko may kumikinang doon kaya doon ko pinatira.
Di nga ako nagkamali dahil umungol ang higante at nanghihina.
Sinamantala ko ang pangkakataon at gumawa ng fire whip at tinira ang higante. Then Fire spike! At higit sa lahat ay Fire tornado.
Nanghihina na ang higante at lahat ng bagay dito ay lumilipad dahil sa lakas ng tornado
"Torader se dero! "Cast ko ng spell para lamunin ng tornado ang higante pinatamaan ko muna ng apoy bago matamaan ng tornado.
Nawala na ang higante dahil sa lakas ng impact..
Hay salamat naman. Tapos na tsd kapagod.
Hindi ko na alam pero parang nanghihina ako at nahihilo. Naramdaman ko nalang na may sumalo sakin and then.
Everything went black!
_________________________________________________________________________________________________________