"I'M HORNY!" Malakas akong napasinghap at nanlalaki ang mga matang tumingin sa asawa ko. "Dos!" Malakas na tawa naman ang naging tugon nito sa akin. "Puro ka talaga kalokohan!" Asik ko pa rin, habang tawa ito nang tawa. Kung minsan talaga ay walang makuhang matinong sagot sa lalaking 'to. "What? You asked me, and now, I am giving you my most honest answer, tapos magagalit ka?" Tatawa-tawa pa ring tugon nito. Pinandilatan ko ito ng mga mata. "Tinatanong ko kung nagugutom ka rin, katulad ng tanong mo sa akin. Hindi kung-- kung. . . " Hindi ko maituloy-tuloy ang sinasabi ko. Hindi ko kasi alam kung papaano ko iyong sasabihin dito sa mas magandang paraan. Hindi naman kasi ako kasing blunt nito kung magsalita. "Kung ano?" Susog pa nito. Nang maramdaman ko ang muli nitong pagpisil sa i

