Chapter 199

5000 Words

PAGLABAS NAMIN NG MOTEL ay dumeretso na kaming muli ni Dos ng biyahe. Gusto pa nga sana nito na dumaan muna kami sa isang restaurant para kumain, na tinanggihan ko, dahil pakiramdam ko ay busog pa naman ako. Maaga pa naman, sabi ko. Sasabihin ko na lang, 'ika ko sa kanya kung nagugutom na ako. Ilang sandali pa ako nitong pinakatitigan, at tila binabasa kung nagsasabi ba ako ng totoo, bago maya-maya ay nagkibit ng mga balikat at nagpatuloy na sa pagmamaneho. Hindi naman na ako kumibo pa, at nilibang na lamang ang sarili ko sa pagmamasid ng iba't ibang ilaw ng mga nakabukas pa, o nakabukas na'ng mga establisyemento na nadadaanan namin. Gayon din ang mga sasakyan na nakakasalubong, at nakakasabay namin sa daan. Alas tres pa lang ng madaling araw, at madalang pa ang mga sasakyan sa kalsada

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD