ANG TOTOO, ay sinadya ko naman talaga na magpatanghali ng baba. Kanina pa talaga ako gising, ayoko lang bumangon. Para kasing ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Marahil ay epekto ng halos madaling araw na akong nakatulog kanina, pagkatapos ay ang aga ko rin naman na nagising. Wala pa yatang tatlong oras ang itinulog ko. Hindi ko ba alam. Basta na lang naalimpungatan ako kanina, at nagising. Tila may sariling isip na dumilat ang mga mata ko. Pagkatapos niyon ay hindi na ako muli pang nakatulog, kahit na anong pikit ko. Pakiramdam ko ay antok na antok pa ako ngunit hindi naman makalimot ang diwa ko. Kung anu-ano lang ang pumapasok sa isip ko. Sinakitan lang ako ng ulo, pero hindi naman ako nahimbing. At nang alas siyete na, at hindi pa rin nawawala ang sakit ng ulo ko ay nag-text na ako ka

