Chapter 152

5000 Words

"DRINK THIS, FIRST." Hindi pa rin tumitigil ang mga pagsigok ko dahil sa pag-iyak ko kanina, at medyo nahihirapan na akong huminga, kaya naman tumayo na si Dos at kumuha ng bottled water sa mini ref sa loob ng aming silid. Nakabukas na ang takip niyon nang iabot sa akin ng lalaki. Isang irap pa ang ibinigay ko rito bago tinanggap ang hawak nito. Hindi ko pa rin nakakalimutan na ito ang dahilan ng pag-iyak ko kanina. Umangat lang ang gilid ng mga labi ni Dos, ngunit hindi naman nagkomento. Dapat lang. Kasalanan niya kaya 'to. Dinala ko ang bote sa bibig ko. Habang umiinom ay sa asawa ko pa rin nakatutok ang masama kong tingin. Hindi naman din inaalis ng lalaki ang tingin sa akin. Ni hindi kumukurap. Matapang nitong sinasalubong ang nag-aakusa kong mga mata sa kanya. Isa, dalawa, tat

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD