"LOVE. . . HUY! " Pangalawang tawag na ni Dos sa akin, ngunit hindi pa rin ako sumagot. Una ay, 'Angel'. Hindi ako kumibo. Ni hindi ako gumalaw. Nanatili lamang akong nakatalukbong ng makapal na comforter. Ngayon ay binago naman nito. Ginawa naman na, 'Love'. Hindi pa rin ako sumagot. Inis na umirap pa ako sa hangin, kahit hindi naman ako nito nakikita. I-Angel at i-Love niya ang mukha niya! O, kung gusto niya ay iyong laptop at cellphone niya ang lambingin niya magdamag! O, ang Misha na iyon! Mga bwisit! Sino ba naman ang hindi maiinis? Ang akala ko ay umuwi ito para bumawi, dahil sa loob ng halos dalawang linggo ay pulos trabaho ang inatupag nito. Sa video call na nga lang kami nag-uusap ng mga panahon na iyon, tig-sa-sandali pa, dahil nga sa magkaibang time zone ng Pilipinas a

