MAKALIPAS LANG ANG DALAWANG ARAW pagkatapos ng birthday ni Thirdy ay inihatid na sa huling hantungan si Senyora Matilda Montesilva. Hindi naman na raw kailangan pang patagalin, at wala naman na silang inaantay na darating na iba pang kamag-anak at kaibigan. Sa palagay naman nila ay nakapag-bigay na ng respeto ang lahat ng mga kaibigan at kakilala nila sa naiwang mga labi ng nasirang Senyora. Katulad ng kahilingan ng huli, na ayon sa abogado nito ay kasama sa last will and testament nito, ay ipina-cremate nila ang bangkay ng mama ni Dos. Pagkatapos ay inilagak sa isang columbarium. Nakakamangha lang, dahil parang nakahanda na ang lahat. Pati ang pinaglagakan nito ay tila matagal nang pinaghandaan. Parang alam na alam na nito na nalalapit na ang pagsapit ng kanyang pamamaalam sa mundong

