Chapter 202

3503 Words

"UHMMP. . . LOVE?" Kasabay ng pag-iinat at pagmulat ng aking mga mata ay tawag ko sa asawa ko. "Angel, bakit gising ka na?" Para pang nagulat na lingon naman nito sa akin. Bihis na ang lalaki. Nakaupo ito at nakayukyok sa gilid ng kama, sa tabi ko habang nagsusuot ng sapatos. Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding. "Ikaw ang bakit gising na? Alas singko pa lang, ah. Saan ka na naman pupunta? May lakad na naman ba kayo ni Biboy?" Inabot ko ang isang unan at niyakap. Bahagya pa akong umurong para sumiksik sa likuran nito. "Napapadalas yata ang alis n'yo. Saan ba kayo nagpupunta ng kapatid ko tuwing umaga?" Kaswal na tanong ko rito. Wala naman sa tono ko ang pagdududa na baka may ginagawa itong kalokohan dahil kasama naman nito palagi ang kapatid ko tuwing umaalis, pagkatapos

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD