"IT'S NOW, OR NEVER, MARIE LEANDRA! Malik will be your partner for the upcoming prom, and no one else!" Punung-puno ng determimasyon na usal ni Andra sa sarili habang hindi inaalis ang tingin kay Malik na kasalukuyang pinangungulumpulan ng mga babaeng naghihintay na matapunan nito ng kahit na katiting na atensyon. Matalik na kaibigan ng Kuya Thirdy niya si Malik. Kapwa nasa ika-apat na taon na sa kolehiyo ang dalawa, at pareho ring miyembro ng varsity ng basketball team sa Montesilva University, kaya naman ganoon na lamang kung pagkaguluhan ng mga kababaihan sa loob ng campus. Katatapos lang ng practice game ng mga ito, at iyon ang kinuhang pagkakataon ng mga babae para lapitan ang kanya-kanyang hinahangaang basketball player. Ang totoo ay hindi alam ng kuya niya na nasa gym din siya a

