NGAYON ay talagang pagod na pagod na ako. Hindi na ako pumayag pang muli na si Dos ang magpaligo sa akin. Pinauna ko na itong maligo. Kahit na anong pangungulit at panunukso nito ay hindi na talaga ako nagpadala. Naupo muna ako sa inidoro, para na rin makabawi ng nawala kong lakas. Gayon din, ay para makalayo ng kaunti sa asawa ko. Hindi talaga ako nito titigilan hanggat magkadikit ang mga balat namin. Isinuot kong muli ang roba ko para hindi naman ako lamigin, at higit sa lahat, ay para hindi na matukso pang muli ang asawa ko sa nakikitang kahubdan ko. Pagkatapos nitong maligo ay tinuyo nito ang katawan ng tuwalyang ginamit ko kanina, na iniaabot ko sana rito. Iyon na rin ang ginamit nito na panakip sa ibabang bahagi ng kanyang katawan. Hindi ko naman maiwasan ang lihim na mapailing h

