"AY, G AGO! WAIT LANG KASI! Hindi pa nga naka-ready!" "Bungol! Meron bang giyera na naghihintay muna na maging ready 'yung kalaban bago patayin?!" Malakas na halakhakan ang kasunod ng malakas ding tinig na iyon. Parang umaalingawngaw sa buong kabahayan ang lakas ng tawanan ng mga ito. "Sa likod, Paps!" "Boom! Panes!" "Ahhh! Pvta! Patay na naman!" Na sinundan naman ng malakas, at buong pang-aasar na tinig ni Casper. "Mahinang nilalang ka kasi!" "Tng ina mo, hintayin mo lang, palalamon ko sa 'yo 'yang explosives mo! Mahinang nilalang pala, ha." Isang malakas at nakaka-asar na tawa lang muli ang isinagot ni Casper dito. Ang malalakas na nag-aasarang mga tinig na iyon sa paligid ang gumising sa akin. Hindi ko matukoy kung nasaan eksakto ang mga ito, ngunit nasisiguro ko na malapit l

