Mabilis na lumipas ang apat na buwan, nakatakda na kaming umuwi ng Pilipinas bukas matapos ang pananatili namin dito sa Amerika para sa opersyon at recovery ni baby Ralph. Dapat sana ay isang taon pa ang ilalagi niya dito para maobserbahan mg mabuti ang kanyang kalagayan, ngunit napagpasyahan naming mag-asawa na sa Pilipinas na lang ipagpatuloy ang rwcovery ng bata tutal ay may inirekumendang isang magling na doktor ang ospital nila Mama, kilala nila ang nasabing doktor kung kayat makakasiguro kami na nasa mabuting kamay si baby Ralph. Ang una kasi naming plano ni Zach ay uuwi na kami ni baby Dale pagkatapos ng operasyon sa kanyang kapatid, nakahanda na nga lahat ng kailangan namin, nakaekpake na ang mga gamit pero biglang nagbago ang isip ni Zach at iminungkahi na sabay sabay na la

