Mabilis ang mga hakbang nila papasok ng hospital nauna na siya kay Wind. Habang papasok ay wala paring patid ang luha niya tila namatay din ang puso niya ng paulit ulit. Kasama nito di niya alam kung paano magsisimula uli. "Miss saan dito yung hinatid na galing sa shoot out?" tanong ko sa nurse. "Sa morgue po Ma'am!" mabilis sagot nito napatingin siya kay Wind. Isang nakikisimpatyang malungkot na ngiti ang iginawad nito sa kanya. "S--a morgue agad di man lang tiningnan muna?" nanginginig kung tanong sa nurse. "Puro patay na po kasi ang mga may tama. Fatal shots po kasi ang tama sa katawan ng mga ito." paliwanag nito. Parang ayaw na niyang humakbang pa pakiramdam niya ay anytime mag collapse siya. "Tara." sabi nito sa kanya kaya naman humawak na siya sa braso nito alam niyang anytime a

