She woke up in a white environment. Tingin niya ay nasa hospital siya lalo at may nakakabit na IV sa kanan niyang braso. Medyo masakit ang kanyang balakang sa higa malamang. Pumasok si Dustin, kasunod ang Nanay at Tatay niya. "Lira anak, salamat naman at nagising kana pinag alala mo kami." sabi ni Nanay nagtaka pa siya kasi naka costume ang nanay niya naka dress ito at naka make up pa. "Okay naba ang pakiramdam mo baby? may masakit ba sayo?" tanong nito sa kanya pag tingin niya sa ama niya ay naka formal attire din ito. Pumasok naman ang Mommy at Daddy ni Dustin. Naka formal attire din at si Dustin naka long sleeve na puti at coat will lagi na niya itong nakikitang ganun pag nag oopisina or may party. "Okay lang ako Nay. Ano po ba ang ganap at naka dress kayo?" nagtataka kung tanong d

