SIMULA
"Two hundred seventy five," bilang ni Cleo sa hawak na pera saka hinulog sa loob ng garapon. Hinulog ko rin ang huling tig-sampong piso na naka-tali na ng goma.
I groaned in frustration, if only I can decline this! Hindi ko alam kung bakit kami pa ang naataasan ni Miss Gomez, dapat talaga ay hindi na kami dumaan doon kanina edi sana hindi kami nautusan.
"Saan na tayo niyan?" tanong ko sa kaniya para matapos na ang paniningil namin.
Inayos ko ang bahagyang lukot ng papel na pinapapirmahan namin sa bawat classroom. Ang nakalagay roon ay may isang istudyanteng namatayan ng nakababatang kapatid at humihingi ng kaunting tulong, bahagya akong nakunsensya nang maalala iyon. I should be thankful that I didn't experience this.
Sabi nga nila, mas okay na ang magbigay kaysa ikaw ang manghingi.
Tinuro ni Cleo ang hagdanan sa dulo ng pasilyo kung nasaan kami. "Akyat tayo doon, sa Accountancy tayo, Ash madami raw pera sa course na iyan e," wika niya at bahagyang tinabing ang buhok sa tainga.
Alam ko naman bakit gusto niya roon, para-paraan din 'to e.
Ngumisi ako. "Sa Engineering na lang unahin natin," suwestyon ko kaya natawa kami parehas.
Alam niya kung bakit gusto ko iyon unahin kahit pa malapit na kami rito. Umiling lang siya sa akin para bang wala na talaga akong pag-asa.
"What?" Natatawang wika ko pero sumunod din sa kaniya.
"Tigilan mo ako Asherah! Gutom na ako kaya tapusin na natin 'yong nandito para mamayang hapon doon na lang sa kabila."
Inismidan ko siya, ang KJ naman nito e.
Latang-lata na umakyat kami sa third floor kung nasaan ang mga Accounting Student. Nagugutom na talaga ako, pupunta lang dapat kami ni Cleo sa canteen tapos nautusan na kami. Kagaling! Tapos na ang break time namin na fifteen minutes.
Huminga ako ng malalim nang tumapat kami sa unang pinto, ini-ready ko ang aking ngiti dahil ako ang tiga-basa at si Cleo ang tiga sulisit ng pera.
I knocked the slightly open door.
Bahagya akong sumilip, mabango ang classroom nila hindi gaya sa amin na kapag ipasok mo ang ulo mo ay aatakihin ka sa amoy sa loob. Naabutan kong nakalingon sa pintuan at nakataas ang kilay ng isang matandang Professor na para bang tinatanong kung bakit ako nang-istorbo sa kanila.
Kahit nahihiya ay tinulak ko ang pintuan para makapasok, pumalahaw ng tukso ang kwarto nang makitang babae ang pumasok. Gosh, men!
May mga sinasabi sila pero hindi ko namaintidihan, sinaway sila ng Professor nila kaya bahagyang tumamik pero lamang pa rin ang hagikgikan sa likod.
Kinagat ko ang aking ibabang labi saka inabot sa matanda ang papel, inayos niya ang salamin saka binasa ang dala ko. Nilingon ko pa si Cleo na nasa labas pa at naghihintay ng go signal ko kung papasok na siya.
"Miss number mo raw—aray shuta!" Napatingin ako sa nagsalita.
I scanned my eyes in the waves of senior students, with women and men. I turned my attention at the back of the class, to the person who asked for my number.
"Dude bakit ka nanununtok?" natatawang tanong niya sa nasa kaniyang likuran.
Nag-init ang buo kong mukha nang makilala kung sino ang nasa likuran niya at sumuntok. Damn! How would I forget that he's accounting student?!
Hindi niya pinansin ang kaklase saka nilingon ako, kaagad kong iniwas ang tingin sa kaniya bago pa niya makita ang tingin ko.
Nagpasalamat na lang ako nang binasa na ng Professor nila ang dala ko dahil paniguradong baka mautal ako sa kaba kung ako pa ang gagawa no'n. Nakakahiya kung magkataon!
Nang matapos basahin ay sinenyasan ko na si Cleo na pumasok, tinulungan ko siyang kunin ang mga pera nasulisit para mas mabilis kaming maka-alis sa kwarto. I feel like someone is looking at me and I am right because when I turned with their line his attention was focused on me.
"Ito sa amin, Ash," sabi ng kaibigan niya na naka-salamin na kakilala ko rin.
Nahihiyang kinuha ko iyon at inilagay sa garapon. Nang tumapat ako sa kaniya ay seryoso niya akong tiningnan, bahagya pa niyang tinatapik-tapik ang mamahalin ballpen sa kaniyang lamesa.
"Yong sa'yo p-po?" tanong ko.
Bakit ka nauutal Asherah? Huh?
He pressed his lips together. Inilabas niya ang kaniyang wallet habang hindi inaalis ang titig sa akin mukha, ako naman ay nagkunwaring binibilang ang mga barya sa kamay ko pa.
Parang batang naghihintay ng baon na pera sa kaniyang magulang.
"We'll go home together, at five," he whispered to me like I don't have any choice before giving me five hundred pesos.
Imbes na magtanong pa o tumutol sa sinabi niya ay tinalikuran ko na siya.
Nagpasalamat kami sa Professor bago lumabas. Doon lang ata ako kumalma nang makalayo kami sa kwarto nila, his presence makes me uncomfortable.
Bakit ba kasi ganon 'yon makatingin para bang mangangain ng tao e.
Umungol si Cleo sa tabi ko habang naglalakad kami. "Ugh! Nakita mo si Sage kanina grabe! He looks hot in his eyeglasses," tukoy niya sa isa doon sa naka-upo sa likod na nag-abot ng pera sa akin kanina.
Ngumiwi ako dahil para siyang kinikiliti kahit hindi naman. "He is Vonna's boyfriend," paalala ko sa kaniya. Vonna is my sister's bestfriend.
Kumapit ako sa braso niya habang papunta kami sa ibang kwarto. Madramang bumuntong-hininga si Cleo. "I know, bawal na ba maging crush kapag may gf na? Ikaw nga 'yong crush mo sa engineer na si Kiyo ay hindi pa rin alam na may isang Asherah na nabubuhay sa mundo," panunuya niya.
Sinapak ko siya sa braso at natawa naman siya.
"Hoy! Personalan na ba? I don't mind if he doesn't know about me, crush lang naman 'yon," I pointed out.
"Aysus."
Napa-iling na lang ako sa kaniya bago kumatok sa sumunod na pinto.
Nang humapon ay nanatili kami sa library kasama ang iba namin kaklase, paano ba naman kasi 'yong english prof. namin ay pinapahanap kami ng mga short stories sa iba't-ibang books tapos kukunin namin kung anong title at saan book galing pati author at page number.
Ka-stress.
Magagamit ba namin 'to sa pang-araw-araw na buhay namin pagka-graduate namin?
Ano 'yon kapag bibili ako sa tindahan sasabihin ko... 'Pabili nga po ng toyo isang bote and based on page two hundred forty one, author I-don't-give-a-f**k. When the day our eyes met, the stars cried.'
Ganon ba 'yon? Ha! Ewan ko ba.
Kaagad akong napatayo nang makita ang oras sa aking pulsuhan. "Mauuna na ako, Cleo."
Mabilis kong niligpit ang aking gamit, pinanuod naman niya ako. "Sige ingat ka, mag-open ka messenger mamaya ah?"
Tumango ako saka kumaway na sa kaniya.
Mabilis ang aking lakad papunta sa parking lot, sa labas na ng University. Nang makarating ako sa field na bungad na ng gate ay nakita ko ang isang medyo bakla kong kaklase, he asked something about our assignment in one of our minor subject.
Nag sabay pa kaming lumabas ng gate.
"Thanks Asherah, balik ko na lang notes bukas."
"Sure bye."
Nauna na siyang umalis, ako naman ay napabuntong-hininga bago lumingon sa gilid kung saan siya madalas nagpapark.
I sighed when I saw him leaning slightly on the hood of his car. Our eyes met the last time before he blew out the smoke from his cigarette. Kaagad niyang tinapon ang sigarilyo at tinapakan iyon saka tumuwid ng tayo habang hinihintay akong lumapit sa kaniya.
"Stop smoking," bungad ko nang makalapit.
Hindi siya nagsalita, sinundan niya ng tingin ang kaklase kong bakla na kasabay ko kanina na nasa kalsada na. "Who's that boy?" he asked me instead.
Suminghap ako. "Classmate."
Tumango siya saka tiningnan ang oras sa cellphone niya. "Late ka ng sampong minuto, natagalan magpaalam sa boyfriend huh?"
Kumunot ang noo ko sa tono niya. Ano bang ibig sabihin niya doon? Nakaka-init ng ulo sa hapon ang lalaking ito!
"Kanina pa ako naghihintay rito," madiin wika niya.
Inismidan ko siya. "Edi sana iniwan mo na lang ako, hindi ko naman sinabing sasabay ako e, may pera naman ako kaya puwede akong mag tricycle pauwi," mahinang wika ko, takot na marinig ng ibang istudyanteng pauwi na rin.
He tsk-ed, he brushed his hair using his hand.
Pinatunog niya ang kotse niya at pinagbuksan ako ng pintuan.
"Get in, Ash."
Hindi ako sumunod, I want him to know that I don't need his help next time. Kung manunumbat lang siya sa paghihintay niya e 'di bale na lang.
"Next time don't wait for me," sinubukan kong maging malumanay, ayoko siyang mabastos.
Mas nakakatanda pa rin siya sa akin.
He clenched his jaw. "Pumasok ka na, Asherah. Magdidilim na."
Tsk, nagdidilim na rin paningin ko sa'yo, boy!
Nainis ako sa sinabi niya, ayoko ng bino-bossy ako. Ayoko ng kung utusan ako ay para bang utang na loob ko pa sa kaniya na hinintay niya ako.
Sino ba kasi nagsabi isabay niya ako? Ayoko naman din sumabay sa kaniya.
Nang hindi ako sumunod sa kaniya ay nilapitan niya ako't hinawakan sa braso at hinila papunta sa kotse. Mahigpit ang hawak niya sa akin, pilit kong inagaw iyon sa kaniya.
"Let me go, Axle!" inis na wika ko sa pangalan niya.
"Don't make me mad, Asherah!" mas madiin wika niya. Hinawakan niya ang ulo ko animong pinoprotektahan baka tumama sa pintuan bago ako ipasok sa loob.
Nag-iwas tingin ako nang pa-jogging siyang umikot sa driver seat, bahagyang nag flex ang mga muscles niya sa braso dahil doon.
Hindi ko siya nilingon nang malakas na isinara niya ang pintuan. Binuhay niya ang makina, ang akala ko ay aalis na kami pero nagsalita siya ulit.
"Next time when I said five, you should be here at five, 'kay?" maawtoridad na wika niya.
Hindi ako sumagot, tumingin ako sa bintana. Five mo mukha mo! Susumbong kita kay Mama.
"Asherah, do you understand?" banta na tawag niya saka binuhay ang sasakyan pero hindi pa niya pina-usad.
Huminga ako nang malalim, hindi talaga 'to titigil hanggang hindi ako sasagot.
"Yes, I understand. Kuya."
***
SaviorKitty