Merry Christmas! Kabanata 32: The world is against me. Bakit gano'n? Bakit sa akin pa nangyari ang lahat ng ito? Ano bang ginawa ko? Since I was a kid, all I want is a complete family, love and attention. Kung kailan ko naman nalaman ang totoo, kung kailan ako nalinawan sa lahat ng nangyari noon ay doon pa nawala ang anak ko. Hindi ko kaya. Ayokong kuwestyunin ang nasa itaas pero hindi ko maiwasan magtanong, bakit? Bakit naman gano'n? Si Azle lang ang naging lakas ko sa taon na dumaan sa akin, bakit kaagad kinuha? Mariin akong pumikit habang nakaupo sa maliit na church sa hospital kung saan namin sinugod si Az. God, why I need to experience all of this. Is this a pay for what I've done? Why do you need to take my son that fast? Why my son? Kahit ang sikip-sikip na ng aking dibd

