Kabanata 2

1202 Words
Ivy Rose Kumaway muna ako sa kaibigan at kapwa NBI agent ko na si Agent Rusty Valdez, bago tuluyan pumasok sa maliit na hardin sa bahay namin dito sa Las Piñas. Ilang beses na din ako sinabihan nito na lumipat ng tirahan dahil hindi daw niya gusto na dito ako nakatira. Lalo na at madalas kaming abutin ng dis-oras ng gabi sa opisina o kaya sa mga assignments. Hindi man halata, pero ligtas ang lugar na ito sa amin. Ilang taon na rin naman kaming nakatira dito nila Lola Salve at ang pamangkin kong si Kendra. Tahimik at mabait naman ang mga nakatira rito. Pero kahit ilang beses ko pa sabihing, okey lang ako dito tumira, ay minsan 'di ko pa rin talaga maiwasan ang mag-alala sa kaligtasan ng pamilya ko. Madalas talaga ako ihatid nito, lalo na kapag nagpapang-abot kami sa overtime sa opisina. Lamang lang ng isang paligo ang compound namin sa sinasabi nilang squatter's area. Isa rin ang bahay namin sa i-ilang bahay na bato rito. Isa din sa dahilan kung bakit hindi ko ito kayang iwanan or ipagbili ay dahil sa pundar na bahay pa ito ni kuya noong nabubuhay pa siya. Isang NBI agent rin ang kuya Roldan ko noon bago pa siya ma disgrasya at mamatay dalawang taon na ang nakararaan. Pauwe siya noon galing headquarters nang ma-holdap ang sinasakyang jeep. Ayon sa mga saksi nanlaban daw ang kuya Roldan ko noon, dahilan para barilin siya ng isa sa mga holdaper at hindi na umabot pa ng buhay sa hospital. Naulila niya ang isang taong gulang pa lamang noon na anak, si Kendra. Iniwan ni kuya sa akin ang pangangalaga kay Kendra noon pa man. Namatay din kasi sa panganganak noon kay kendra ang ina nito. Minsan nga iniisip ko na parang noon pa man alam na ni kuya Roldan na mamatay siya ng maaga. Dahil buhay pa nga siya noon, hinabilin na niya sakin ang anak niya. Sinusian ko ang pinto at dahan-dahan na binuksan iyon at pumasok sa loob. Sinubukan kong hindi gumawa ng kahit na anong ingay, dahil mababaw matulog si lola at ang pamangkin ko. Para akong magnanakaw, masyadong maingat ang kilos at takot na takot gumawa ng anumang ingay. Hanggat maaari ayuko kasing ma istorbo ang tulog nila. Pero nang maisara ko muli ang pinto ay, nagbukas ang ilaw sa kwarto nila lola Salve. "Ivy?" tawag niya sa pangalan ko. "Ako nga po, lola," sagot ko saka dumeretso ng lakad pa punta sa silid nila. Iisa lang ang kwarto sa mumunti naming bahay, at doon ko pinapatulog si lola at Kendra. Sa isang folding bed sa may dapit sala ako natutulog. Nag lagay lang ako ng dalawang mahabang kurtina para magsilbing pagitan sa higaan at sa maliit din naming kusina. Nakaupo na si lola sa isang manipis at maliit na kama, habang nasa tabi naman niya ang mahimbing na natutulog kung pamangkin. "Anong oras na?" "Pasado alas dose na po, 'La" sagot ko bago inabot ang kamay niya para magmano. "Kumain ka na ba?" tanong niya ulet. "Opo' kumain na po ako 'La. Birthday po ng apo ni Nancy kaya nag padala kanina ng pansit at ulam sa opisina." sagot ko naman. "Kayo po, kamusta? Hindi naman po kayo nahirapan kay Kendra?" Three years old na ngayon ang pamangkin ko pero hindi pa rin siya nakapag-sasalita. Kamakailan lang, na-diagnose siya na may Autism Spectrum Disorder, at nangangailangan kami ngayon ng malaking halaga para maipagamot at mapa-therapy siya. Noon pa man ay salat na kami sa kahirapan. Iginapang lang ng Kuya Roldan ang pag aaral ko sa kolehiyo kaya nakapag tapos ako ng accountancy sa isang pampublikong unibersidad. Napagpasyahan kung maging isang NBI agent tulad ng kuya ko noong namatay siya. Gusto ko kasing ipagpatuloy ang kung anumang sinimulan niya. Pero yun nga lang, hindi ganun kalaki ang sweldo ko. "Wag mo akong alalahanin. Malakas pa ang mga buto-buto ko, at kayang-kaya ko pang mag Zumba." biro ni Lola sa akin. Natawa ako ng bahagya sa biro niya. Totoo naman kasi, sa awa ng diyos kahit seventy six na ang lola ay malakas pa rin ang pangangatawan niya. Pwera na lang sa, medyo may kalabuan nang mata. "Kahit na po, mag-iingat pa rin po kayo palagi. Lalo na po sa tuwing kakargahin niyo po si Kendra. Tapos wala po ako, yung likod niyo po." paalala ko kay lola. "Wag kang mag alala, mabait na bata naman si Kendra." sagot niya. "Kamusta ang trabaho?" muling tanong ni lola. Nagpumilit akong ngumiti. "Okey lang din po. Malapit na naming matapos 'yung huli naming kaso ni Rusty" "Ah, iyong kaso n'ung drug addict ba iyon?" kahanga-hanga din ang talas ng memorya ni lola. Isang beses ko lang naman iyon na banggit sa kanya pero, naalala niya pa. "Nahuli niyo ba?" "Opo." iyon lang ang sagot ko. Ayaw kong sabihin sa kanya na napatay namin ni Rusty si Marvin. Sa totoo lang, ayaw ko rin isipin na bala ko ang pumatay sa kanya. Oo nga't trabaho namin ito at sinagip lang namin si Kristine at Harold pero sa huli, pumatay pa rin kami. "Mabuti, nang mabawasan ang haragan sa mundo." saad niya. Ngumiti akong muli at hinalikan si lola sa noo. "Matulog na po kayo ulit." Nang makahiga na muli ang lola ay lumabas na ako ng silid at nagtungo sa banyo. Naglinis ako ng katawan at nagsipilyo bago tuluyang bumalik sa aking tulogan. May maliit din akong aparador sa bandang kanan kaya do'n na rin ako nag bihis at tuluyang nahiga pagkatapos. Pagod ang katawan ko pero nang mahiga, ay 'di naman ako nakatulog kaagad. Bigla kung naisip ang patong-patong ko'ng bayarin. Nariyan na naman ang bill ng kuryente at tubig. Ang panggastos namin sa araw-araw, pagkain, pamasahe, gamot, gatas at higit sa lahat ang vitamins nina Lola at Kendra. Oo nga't malakas pa ang Lola, pero matanda na siya kaya hindi ko dapat balewalain ang kalusugan niya. Nariyan pa ang pinag-iipunan ko'ng pampagamot sa pamangkin ko. Hindi biro ang kinakailangang halaga para sa therapy ni Kendra. Kailangan ko rin maglaan ng oras para ron. Kung saan ay dapat kasama ako sa mga sessions niya, nasa halos apatnapung oras kada linggo din iyon. Hindi naman ako pwedeng tumigil sa pagtatrabaho dahil kailangan ko nga ng pera para sa therapy niya. Hindi lang iyon, syempre kailangan ng bata ng espesyal na edukasyon pagkatapos noon. Hindi siya pwedeng pumasok sa ordinaryong paaralan lamang. Diyos ko! gaano ba kamahal ang mag paaral ng isang special child? Kapag naiisip ko ang ganitong uri ng problema, minsan gusto ko na lang maiyak. Naaawa ako kay Lola Salve at Kendra, hindi ko man lang sila mabigyan ng maginhawang buhay. Kahit anong pagsusumikap ko kulang na kulang pa rin talaga. Iyon lang ang frustration ko, hindi baleng wala akong lovelife o kahit hindi ako mag karon noon okey lang, wala rin naman akong panahon para doon. At lalong wala akong oras para sa lalaking aagaw lang ng atensyon ko sa pagtataguyod ng pamilya ko. Pumikit na lamang ako at taimtim na nagdadasal, may awa ang Diyos. Alam kung hindi niya kami pababayaan. Ipinapangako ko rin na mas lalo ko pang pagsusumikapan ang lahat, para kay Lola at Kendra. Kaya mo 'to Ivy!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD