Natigilan ako mula sa pakikipag-usap sa kaharap ko nang maramdaman kong nag-vibrate ang phone ko. It's Julianne. Baka nag-alala kung bakit hanggang ngayon hindid pa rin ako nakabalik sa office. Paalam ko kasi sa kaniya ay may nakalimutan lang ako sa bahay pero halos tatlong oras na ang lumipas ay hindi pa rin ako nakakabalik. It's almos 6 p.m in the evening. Mabuti na lang at sinundo ni Alex si Permelia sa school nila at inaya na gumala. Kakatapos lang kasi ng exams ng bata kaya free na siya. "Excuse me," nahihiyang sabi ko sa kaniya at maliit na ngumiti. His face which reveals his old age wrinkled when he smiled. "Go on," magaan ang boses na sabi niya. I immediately stood up at lumayo sa kaniya ng kaunti para may privacy naman akong kausapin si Julianne. "Hello?" pabulong

