"Mommy! Mommy!" agad akong bumangon mula sa pagkakahiga at tumakbo papunta sa pinto nang narinig ko ang matinis na sigaw ni Permelia. "Bakit? Anong nangyari? May magnanakaw? Kidnaper?!" natatarantang sabi ko at agad na nilibot ang paningin ko sa buong kabahayan namin pero wala naman akong makitang kakaiba. Nagbaba ang tingin ko kay Permelia na umagang-umaga ay malapad na agad ang ngiti. "There's no such thing as that, Mommy," she giggled. Napasandal ako sa hamba ng pinto nang bigla akong makaradam ng hilo. Bigla na lang kasi akong bumangon mula sa pagkakahiga at tinakbo ang pinto. I groaned and massaged my temple. "Then why are you screaming at this early?" bagot na tanong ko. My bet is it's still 3 or 4 a.m in the morning? Hindi pa kasi sumisikat ang araw sa labas ng bintan

