"Ayaw!" nanghahaba ang ngusong tanggi ko at asar na inalis ang sexing damit na binili ni Mama. Kasalukuyan niya akong tinutulungan na ayusin ang laman ng suit case ko. Aside sa pagtulong sa akin ay pinipilit niya akong dalhin ang mamahaling dress na binili niya kanina para sa akin. "Bilis na! Ang mahal ng bili ko diyan," pinanlakihan niya ako ng mata at kinurot ang gilid ko. Agad namang nangasim ang mukha ko at nagdabog. 'Huwag mo akong ganiyanin Kristina at hindi mo ako madadala dyan' isip ko at padabog na nilabas ang dress nang nilagay nanaman niya ulit iyon. "Ayaw nga sabi eh," yukot ang mukhang sabi ko at nagpapadyak pa sa protesta. Maganda yung damit kaso hindi ko ngalang tipo. Halos lumuwa na nga ang mga mata ko kanina nang makita ko ang sarili kong repleksyon nang sinubukan k

