“Pshh that was boring,” react ni Grae nang tuluyan kaming makalabas ng movie house. Hindi ko naman maiwasang mapasimangot nang maalala ko ang nangyari sa loob. Flashback "What do you want to watch?" untag sa akin ni Grae habang nakatingin kami sa listahan ng movies na showing ngayon. "Hmm. How about this one." Turo ko sa isang movie. Base sa itsura ng poster ay mukhang romantic movie iyon. "Hmm." Grae tilted his head to the side at alam ko na agad na hindi siya sang-ayon sa gusto ko. Natawa na lamang ako dahil nagtanong pa siya tapos ang gusto lang din naman niya ang masusunod sa bandang huli. "Alright. Ikaw ano gusto mong panoorin?" balik tanong ko sa kaniya. Walang pagdadalawang-isip niyang tinuro ang poster ng isang horror movie. "I want to watch this one but

