Ilang oras din kaming nagpahinga para bawiin ang tulog namin pagkatapos ay agad na kaming nag-ayos para gumala sa labas. I simply wore a white sunday dress which is the only thing na maayos na nadala ko. Like I said ang ibang dala kong damit ay puro pambahay na at panggala. I heard my phone beeped kaya inabot ko iyon at sinagot. "Hello!" bibong bati ko kay Gray na siyang tumatawag. "Are you ready?" agad na tumikwas ang kilay ko sa narinig. Hindi ko gets kung ano ang tinutukoy niya na ready pero sumagot na lang ako ng 'oo' dahil nakapagpalit na rin naman ako. "I think?" napangiwi ako nang makita si Papa na kakalabas ng banyo at nakitang beach ready talaga siya. Nakasuot siya ng kamison na pinatungan na hawaiian polo top at shorts. Hindi din nalalayo ang porma ni JJ kay

