Isang himala talaga na maaga akong nagising kanina kaya nandito ako ngayon sa kusina namin at kasalukuyang nagluluto ng agahan namin. Narinig ko naman ang mabigat na yabag ni Papa na pababa ng hagdan. "Oh, Lilith. Anong himala at maaga ka yatang nagising ngayon," iyon agad ang bungad niya. Mukhang hindi niya naman inaasahan na maabutan akong nagluluto. "At nagluto ka pa," bilib na sabi niya. "Hindi ko po alam, Pa. Nagising na lang po ako bigla at hindi makatulog," natatawang sabi ko at sinandok na ang itlog na niluluto ko. Simpleng corned beef at itlog lang naman ang niluto ko para sa ulam. Sinadya ko talaga na ang mabilis lang lutuin para pagbaba nila ay handa na ang agahan. Kumuha ako ng plato at binuksan ang rice cooker namin. I crossed the top of it and mumbled a short prayer bago

